“MAHIRAP LANG AKO”
‘Ako’y isang hamak na hampas-lupa lamang’ Naks naman ang drama naman. Ayan ang mga linyang madalas nating nadidinig sa mga teleserye. Masyadong na-hihighlight ang kahirapan sa buhay, limited tuloy ang opportunities dahil naka-focus sa mga kahirapan at di kayang gawin.
Sa sobrang tagal namumuhay sa kahirapan, intertertain at tinanggap na yung tadhana, “Nabuhay kaming ganito, mamatay kaming ganito.”
Kung ipinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun pero kung namatay kang na walang ginagawa para labanan ang kahirapan. Wala tayong ibang dapat sisihin kundi ang ating sarili.
Bakit?
At the end of the day, may choice ka. Come on! Life is all about choices.
What do I mean? Let us say na magkita tayo 10 years from now. At nakita mo akong naging taong grasa na. At tinanong mo ako kung bakit naging ganito ang aking buhay.
“Buti na lang at natanong mo, alam mo ba kung bakit naging ganito ang buhay ko? Dahil sa mga magulang ko, hindi ako nabigyan ng pamana; hindi ako tinulungan ng kapatid ko; yung mga ka-opisina ko, yung boss ko, sila ang mga may kasalanan kung bakit naging ganito ang buhay ko.”
If ever na makita mo na naghihirap at walang nangyayari sa buhay ko, alam mo bang dapat mong sabihin sa akin ay, “Chinkee, the reason why you are the person that you are today is because that is the way you choose to be.” Pinili mo yan! Hindi yan aksidente. It all happened because you allowed it to.
Ganoon din yan kapatid. Huwag ka sanang magalit sa aking sasabihin. Pero minsan kailangan may magsabi sa atin ng katotohanan, para ito yung ating wakeup call na kailangan gumising na sa katotohanan. Kung ano ka nga ngayon, ito ay dahil sa series of choices na pinili mo. Hindi mo pwedeng palaging isisi sa Pangulo natin, sa gobyerno, sa kapit-bahay o kung kani-kanino pa ang kahirapan mo. At the end of the day, MAY CHOICE KA!
Siguraduhin mong hindi mo choice na maging mahirap. Dahil walang tao sa mundong ibabaw na gusto mabuhay ng mahirap!
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay nahihirapan sa sitwasyon mo ngayon?
Ano ang tunay na dahilan dito?
Ito ba ay kagagawan ba natin or ng ibang tao?
Umaamin ka ba na may CHOICE KA!
Kung CHOICE mong makawala sa financial stress.
Bakit hindi mo bisitihin ang link na ito at panoorin ang video na ito https://bit.ly/1wOrPI6
===================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Follow the continuation of the series here:
- UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #5
- UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #3
- UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #2
- UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #1
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.