“ONE TIME BIG TIME”
Ito yung madalas kong marinig, ‘ONE DAY MILLIONAIRE”. Ubos biyaya at ligaya. Dumating lang ang pagpapala inubos na agad na parang walang bukas. Hindi man lang inisip kung ano ang magiging plano nila sa kinabukasan.
Katulad na nangyari sa mag-asawang na nanalo ng 77 million sa lotto. Na feature pa sa show ng Rated K. Nabuhay na parang hari’t reyna. Bili dito, bili diyan. Shopping dito, shopping diyan. Matapos ang apat na taon, binalikan sila ng crew ng Rated K. Ano ang nangyari? Ubos na ang kanilang pinanalunan at bumalik na sa dating tahanan at ang clincher, may utang pa!
Ang tanong paano kung ikaw naman ang manalo? For sure, bibili ka ng bahay at lupa, tapos kotse, tapos mamumudmod ka ng balato!
Yan din ang madalas na nangyayari sa iilan ng mga kababayan na OFW. Pag balik Pinas para magbakasyon. Napipilitan na bumili ng regalo para sa lahat, magpapakain sa kanilang mga kaibigan, kamag-anak at buong barangay. Mamumuod ng dollars na parang Santa Claus. Pagkatapos, balik abroad para kumayod at para kumita muli. I hope you understand na walang masama na maging generous, pero kung wala kang itiira sa sarili mo at para ma-invest para sa iyong kinabukasan. Hindi siya magandang practice.
Isa sa mga ugali ng langgam na nagustuhan ko ay ang kanilang pagiging mapag-impok. Ang isang butil ng kanin ay naitatabi at natitipid nila para pag dumating ang unos may madudukot sila. Hindi ba’t mas mainam na magsuksok para sa panahon ng pangangailangan may madudukot?
THINKING LONG-TERM is one of the financial discipline and mindset that we need to instill in our mind and heart. Kapag hindi natin ito maumpisahan sa ating isipan at damdamin. Maniwala ka hindi tayo makakalabas sa buhay ng utang at kakulangan.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kamusta ang sweldo pag dumating ang katapusan?
May natitira pa ba para sa iyong kinabukasan?
O, ito ay nauubos at nauuwi na lang ito sa wala?
Kung nais mo talagang mabago ang mindset mo pag dating sa paghawak ng pera. Please visit this link and watch the money kit videohttps://bit.ly/1wOrPI6
Chinkee Tan is one of the well known motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational keynote speaker to different organizations.
Follow the continuation of this series here:
- UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #1
- UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #2
- UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #4
- UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #5
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.