Single Blog

UMULAN MAN O BUMAGYO, AYOS LANG!

“Umulan man o bumagyo, ayos lang..

Huwag kang mangangamba, ayos lang..

Kumusta ka mahal ko, ayos ba?..

Sana’y di pa rin nagbabago.”

 

Sa mga batang 80’s, yes!

Hango ang lyrics na yan sa kanta ni Rey Valera.

 

Katulad ng ating bansa na  walang kawala sa masungit na panahon.

Nasa  typhoon belt ng  Pacific ang bansa kaya hindi bababa sa 20 bagyo ang  tumatama sa atin kada taon.

 

Kung ikukumpara sa tunay na buhay, binabayo din tayo na masamang panahon.

Maaaring sa delubyo ng bills o bayarin o walang patid na paniningil ng utang.

 

Itong lahat na ito ay hindi maiiwasan.

 

So ano ang pwede nating gawin?

 

MAGHANDA PARA SA DARATING NA BAGYO

(Photo from this Link)

Iba pa rin ang handa.

Maglaan at mag-impok ng pera sa mga babayarin para makaiwas sa pahamak at disgrasya.

 

MAGDASAL AT MANALIG SA DIYOS

(Photo from this Link)

Magdasal na bigyan ka ng matibay na bahay para hindi magiba sa lakas ng hangin.

Manalangin na mabigyan ka ng mataas na tirahan para hindi ka mabaha.

Mag-tiwala na ikaw ay ilalayo sa tukso at hindi mapilitang mangutang para mabili ang gusto sa buhay.

 

Ikaw, ano sa palagay mo ang pwede mo pang  gawin?

 

“Ang ulan at bagyo sa buhay ay hindi maiiwasan kaya dapat itong paghandaan.”

-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay may pinagdadaanan?
  • Ano ang diskarte mo, umiiwas ka ba o binabalewala mo lang?
  • Hinaharap mo ba at pinaghahandaan mo?

Comments (1)

Post a Comment

GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link