“Umulan man o bumagyo, ayos lang..
Huwag kang mangangamba, ayos lang..
Kumusta ka mahal ko, ayos ba?..
Sana’y di pa rin nagbabago.”
Sa mga batang 80’s, yes!
Hango ang lyrics na yan sa kanta ni Rey Valera.
Katulad ng ating bansa na walang kawala sa masungit na panahon.
Nasa typhoon belt ng Pacific ang bansa kaya hindi bababa sa 20 bagyo ang tumatama sa atin kada taon.
Kung ikukumpara sa tunay na buhay, binabayo din tayo na masamang panahon.
Maaaring sa delubyo ng bills o bayarin o walang patid na paniningil ng utang.
Itong lahat na ito ay hindi maiiwasan.
So ano ang pwede nating gawin?
MAGHANDA PARA SA DARATING NA BAGYO
(Photo from this Link)
Iba pa rin ang handa.
Maglaan at mag-impok ng pera sa mga babayarin para makaiwas sa pahamak at disgrasya.
MAGDASAL AT MANALIG SA DIYOS
(Photo from this Link)
Magdasal na bigyan ka ng matibay na bahay para hindi magiba sa lakas ng hangin.
Manalangin na mabigyan ka ng mataas na tirahan para hindi ka mabaha.
Mag-tiwala na ikaw ay ilalayo sa tukso at hindi mapilitang mangutang para mabili ang gusto sa buhay.
Ikaw, ano sa palagay mo ang pwede mo pang gawin?
“Ang ulan at bagyo sa buhay ay hindi maiiwasan kaya dapat itong paghandaan.”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay may pinagdadaanan?
- Ano ang diskarte mo, umiiwas ka ba o binabalewala mo lang?
- Hinaharap mo ba at pinaghahandaan mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.