umalis
Merong nag viral kamakailan umalis
tungkol sa OFW na naglabas ng
sama ng loob sa social media.
Sama ng loob kasi, sabihin na nating,
nagiging abusado na ang iilang naiwan dito.
We will discuss this further later.
Ang mga mahal nating OFW
ay tinatawag na bagong bayani.
Tinawag silang gano’n kasi sobra
ang kanilang sakripisyo, mabigyan lang
ng mas magandang buhay ang
kanilang mahal sa buhay.
Maaaring hindi sapat ang kinikita rito
or naghahanap ng mas magandang
oportunidad sa ibang bansa.
And that’s okay. Wala namang pumipigil.
Kailangan eh.
Pero ngayong naiwanan tayo dito
at habang sila ay nasa ibang bansa,
ano bang ginagawa natin para makatulong?
Do we demand so much from them?
Do we act as if ang dami dami na nating pera?
Sana hindi naman.
Ito kasi kadalasan ang nagiging problema.
Bakit?
BIGLANG NAGING BUHAY MAYAMAN umalis
(Photo from this link)
Kaya umalis ang mahal sa buhay
dahil walang wala na.
Nung nakaalis naman na at nakahawak
na ng malaki laking pera, aba, biglang
naging buhay mayaman!
Bili dito. Bili doon.
Pasyal dito. Pasyal doon.
Yung dating kuntento sa tig P100 na damit,
ngayon worth P500 na ang gusto.
Dati okay na tayo sa fast food
at simpleng gulay at isda lang sa bahay,
biglang everyday dun sa mga sosyal
na kainan na mula tanghalian hanggang hapunan.
Nagiging choosy pa!
Change of lifestyle bigla kung baga.
Remember that they left Pinas to labor abroad
so they could provide a comfortable life for their families.
And a comfortable life means mula ngayon
hanggang sa umuwi sila dito, hindi na tayo
babalik sa dating hirap na naranasan natin.
Hindi mangyayari ito kung hindi tayo marunong
pumreno, magtipid, at isipin man lang ang kinabukasan.
Hinay hinay lang at matuto magtira.
BIGLANG YUMABANG umalis
(Photo from this link)
Eh since madami ng pera,
may iba sa atin na KAILANGANG
ipakita na “may pera na”.
Yung mga pinagbibibili natin,
hindi tayo natatahimik hanggat
hindi natin naipamamalita sa social media.
“Got my new bag from _______”
“Shopping Galore at _________!”
“Money is not an issue. I’m so blessed!”
Minsan kita pa nga yung etiketa o presyo
para makita ng madlang people
kung magkano yung pagkakabili.
Yes, it’s okay to buy, may pera eh.
Pero kung dati kaya nating maging humble noon,
sana ganoon pa rin tayo ngayon na
nakatapak pa rin sa lupa kahit naka-angat-angat na.
Hindi natin kailangang i-broadcast.
Wala naman tayong kailangang patunayan.
Make sure our intentions are always on the right place.
BIGLANG NAWALAN NG PANGARAP umalis
(Photo from this link)
Kung dati nagtutulong tulong tayo
para maitaguyod at maka survive ang pamilya,
nung may kumikita na ng malaki,
tinamad na tayo at ayaw ng tumulong.
“Kaya naman ng sweldo niya”
“Maganda naman na buhay namin”
“Kaya niya na yun, supervisor naman siya dun”
So tayo ngayon, nakahiga at naghihintay lang ng padala.
Nakasahod lang at nakaabang kung kailan ang remittance.
Hindi na tayo nangangarap para sa sarili
at hindi na nagsisipag kasi iniisip natin,
WE ARE FINE.
Sa ngayon, okay.
Pero keep in mind na hindi habang panahon
ay nandun sila. Dapat may deadline
tayong mag-anak kung hanggang kailan lang
sila doon para makauwi kaagad at magkasama sama.
Sana sikapin nating makag-ipon,
makapagpundar, at mailagay sa tamang
paglalagyan ang kinikita para hindi na
kailangang maghiwa-hiwalay pa.
“Ang pagiging OFW ay hindi habang buhay.
Kaya habang sila ay nagsasakripisyo doon,
mag-ipon, mangarap, at magsumikap din.
Huwag mag-astang mayaman at huwag ubos biyaya.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay may mahal sa buhay na OFW?
- Paano mo pinahahalagahan ang kanilang pagsasakripisyo?
- Willing ka bang makipagtulungan para makauwi sila kaagad?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIARY SERIES Buy 1 Take 1
450 + 100 shipping fee (for limited time only)
To order, go to http://bit.ly/2Qot2vvBAGONG TAON, BAGONG BUHAY Buy 1 Take 1
399 (Early Bird Rate, for limited time only)
To register, go to http://bit.ly/2P8kmEMMY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
Also available in BULK ORDERS
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqiCHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7XiONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“Where we can earn the most: Stock vs. Real Estate?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Q0hKOF=====================================================
-
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.