Ang busina, nagiging businaaaaaaaaaa…
Yung simpleng “Excuse me”, nagiging “Excuse me nga!”
Hindi sinasadyang matapakan, “Hay ano ba yan!” kaagad ang banat.
KAILAN BA MASASABI NA IKAW AY ISANG PETMALU SA PAGKAMAINITIN ANG ULO?
Siksikan sa EDSA, ayaw mo magpasingit, nung may nakalusot,
imbis na padaanin at hayaan, pinaulanan ng napakalakas na BUSINAAAAAAA.
Sabay baba pa ng bintana para magmura.
Mahaba ang pila sa cashier, eh may pinaunang customer,
feeling mo tuloy unfair kaya wala kang ginawa
kundi magparinig at magbuntong hininga.
Halos isang oras ka ng nakaupo sa bangko
sa dami ng may mga transaksyon, at dahil wala ka ng pasensya,
every 5 minutes tumatayo ka para pagalitan ang teller
sa harap ng madaming tao.
Hindi maganda ang pagiging mainitin ang ulo.
Sakit sa damdamin lang ang maidudulot nito buong araw.
Maapektuhan pati yung mga taong nakapaligid sa atin.
Sige, baka layuan na nila tayo dahil tingin sa atin ay tigre.
Bakit ba may mga taong sobrang petmalu sa pagkamainitin ang ulo?
UNRESOLVED ISSUES
(Photo from this Link)
Maaring hindi naman yun ang ugat
ng kanilang galit kaya sila sumabog.
Baka kahapon o kaninang umaga meron ng nangyari
sa kanilang hindi maganda hanggang sa tuluyan na silang
pumutok na parang bulkan.
These people who have issues
tend to lose their temper FASTER.
Kung baga para silang balde na nakasahod sa gripo
na napuno na o umapaw.
CAN’T HANDLE THE PRESSURE
(Photo from this Link)
Napagalitan kanina ni boss.
Nanakawan ng gamit.
Napahiya sa harap ng klase.
Since hindi nila masigawan o hindi sila makaganti
sa mga taong nakasakit ng kanilang damdamin,
sa iba nila ibubuhos.
Sigurado, du’n sa next na mangyayari sa kanila.
Ginagawa nila ito para ma-release yung galit,
frustration, at disappointment sa nangyari sa kanila kanina.
Kung baga, naghahanap sila ng target
para gumaan ang pakiramdam.
WALANG PASENSYA
(Photo from this Link)
May nangyari man sa kanila o wala,
it doesn’t matter sa taong maikli ang pisi.
Ito yung mga taong ayaw na ayaw nauubos ang oras,
ayaw napapagalitan, o ayaw nakararanas ng discomfort in general.
Paminsan minsan, okay lang naman na uminit ang ulo.
But do not use what happened to you as a reason to hurt or insult others.
If you think you’re about to explode, divert attention kaagad.
Idaan mo na lang sa pakikinig ng music,
pagkain ng iyong favorite food, or
just walk away for a while para makahinga.
“Huwag maging PETMALU sa PAGKAMAINITIN ang ULO para hindi makasakit ng ibang tao.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit mabilis uminit ang ulo mo?
- Tuwing kailan ka nakararanas nito?
- Anong gagawin mo para makaiwas?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE:
“CREATIVE WAYS TO MAKE BUDGETING EASIER ”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2iWoN7v
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
A. PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
http://bit.ly/2mt9V5x
B. BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
http://bit.ly/2xZMhSi
=====================================================
MONEYKIT PACKAGE
1 Moneykit + 8 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.