Bakit siya meron ganun, ako wala?
Buti ka pa… samantalang ako…?Bakit siya ganun, ako hindi?
Sana ako nalang siya…Sana akin nalang yun…
May ganito ba tayong sentimiyento? Kung sakaling meron, kapatid sinasabi ko sa’yo, may issue tayo sa inggit. Maaring di natin matanggap o hindi natin namamalayan na naiinggit na tayo sa ibang tao. Akala natin normal lang ang pakiramdam na ito, hanggang sa hindi mo napapansin na may namumuong resentment sa loob mo, depressed ka, ungrateful and stressed. Bakit nga ba may mga taong naiinggit? Ano nga ba ang ugat ng pagkainggit? Ito ang ilan sa mga maaaring dahilan:
NAPAGKAITAN
Maaaring deprived tayo sa maraming bagay lalo noong bata pa tayo. Deprived hindi lang sa mga gusto natin pero mismo sa mga pangangailangan. Kaya kapag nakikita natin ang ibang tao na nakukuha ang gusto nila, hindi natin maiwasan ang mainggit.
MAPAGKUMPARA
Lagi na lang kinukumpara ang sarili sa iba. Kung anong meron yung iba, gusto nya meron din sya. Kung ano yung narating ng iba, gusto rin natin. Kung magpakalbo ba yung iba, gagayahin din ba natin? Hindi matapos-tapos ang pagkukumpara ng sarili sa iba kaya ang ending ay walang hanggang pagka-inggit.
HINDI KUNTENTO
Laging mapaghanap at mapagtanong. Marami siyang mga ‘bakit’ sa buhay nya. Minsan ay blinded tayo ng mga bagay na wala sa atin kaya hindi natin makuhang ma-appreciate kung ano man yung meron tayo. You should keep in mind that contentment is a key to happiness.
UNGRATEFUL
Sabi nga ng isang awitin, “Count your blessings. Name them one by one.” Gaya ng sabi ko kanina, hindi tayo makuntento dahil hindi tayo marunong magpasalamat. Kung susubukan nating tignan at bilangin ang mga pagpapala na meron tayo baka kulang ang isang araw para ilista ang lahat ng ito. Kung magiging grateful tayo, sigurado akong walang magiging puwang ang inggit sa puso at isip natin.
There are so many things to be thankful and grateful for. Naiinggit ba tayo sa ka-opisina natin na napakaganda at napaka-expensive ng sapatos, samantalang tayo sa tiangge lang nabili ang sapatos natin. Hindi pa ba natin nakikita na mapalad tayo kaysa sa iba dahil may mga taong pinanganak na walang mga paa.
Anuman ang dahilan o ugat ng iyong pagka-inggit, gusto kong sabihin sa’yo na meron tayong choice. Pwede naman tayong hindi mainggit kung gugustuhin natin. Tayo lang ang tanging makakatulong sa sarili natin para mapaglabanan natin ang struggle sa pagiging inggitero’t inggitera.
Simulan natin huwag magkumpara, matuto tayong makuntento, mag-focus at higit sa lahat ugaliing laging magpasalamat.
THINK. REFLECT. APPLY
Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ka naiinggit?
Nasubukan mo na bang bilangin ang mga seen and unseen blessings mo?
Natuto ka na bang magpasalamat?
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Do you want to live a contented and grateful life? You can also check out these related articles on finding contentment:
- Greed Versus Contentment
- Gratitude is an attitude
- HOW TO AVOID JEALOUSY
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.