May kakilala ka ba na rich kid? Anu-ano ang mga katangian n’ya na napapansin mo?
May naalala ako nung kabataan ko, haha..
Syempre marami rin akong nakilalang mayaman talaga nung pinanganak na at mayroon din na yumaman dahil sa galing at pagsusumikap.
So allow me to share some of my observations.
ANG TUNAY NA MAYAMAN AY MAPAGKUMBABA
Grabe. Hindi mo nga aakalain na mayaman kasi marunong makisama at makibagay sa kahit kanino. They don’t even think that they are rich.
Yung mga hindi tunay, yun yung mga mayayabang. Lalo na yung mga anak ng mga sikat na personalidad. Kung iisipin magulang naman talaga nila ang mayaman.
Pero hindi ko naman yun nilalahat. May mga kilala rin ako na mga magulang na talagang pinapangaralan ang kanilang mga anak. Tinuturuan din nila kung paano makitungo nang maayos sa ibang mga tao.
ANG TUNAY NA MAYAMAN AY MARUNONG MAG-INVEST
Kayo nga magsabi nga kayo ng pangalan ng mga sikat na mayayaman na isa lang ang negosyo. Hindi ba lahat sila ay marami ang negosyo o properties?
Ganyan kasi ang totoong mayaman. Hindi lang basta kumikita okay na. Dapat alam din kung paano pa ito mapalalago. They also prioritize saving. Save then invest. Then kapag kumikita na, save uli then invest.
Saka na yung happy happy kapag na-meet na talaga ang goals. Marunong kasi sila maghintay sa tamang panahon para anihin ang kanilang ipinunla.
ANG TUNAY NA MAYAMAN AY ALAM GAMITIN NANG TAMA ANG PERA
They know the purpose of money: It is a tool – to make life better. Money is also a tool to help others and be a blessing to others.
So yung una, to make life better. Yes. Pwedeng makabili ng mga pangangailangan natin sa pang araw-araw at pwedeng makabuhay ng pamilya.
At yung isa naman, to help others. Ang pera rin ay isang tool para makatulong sa iba. Maaaring makapagpatayo ng isang negosyo at maging trabaho sa maraming tao.
Lagi nating tandaan na
“Ikaw ang may hawak ng pera at hindi pera ang may hawak sa ‘yo.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
Anu-ano ang mga katangian ng isang mayaman na nais mong matutunan?
Paano mo madidisiplina ang iyong sarili upang maging isang ganap na mayaman?
Anu-ano ang mga nagawang mong nakabubuti sa iba gamit ang iyong pera?
Watch my YouTube video:
Buking ang Mayayaman Vs Tunay na Mayayaman
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.