Naranasan n’yo rin bang magipit? Yung tipong nahihirapan kayo sa sitwasyon ninyo? Yung tipong nagtatanong na kayo kung paano ba kayo makakaahon sa pinagdadaanan ninyo?
Personally, naranasan ko rin ito. Kaya naman ngayon, naisipan kong magbalik tanaw sa mga pinagdaanan ko rin sa buhay.
Lahat naman tayo may kanya-kanyang battles. Pero mabuti pa rin ang Panginoon dahil binibigyan N’ya rin tayo ng mga taong makatutulong sa atin. Kaya naman…
ALWAYS BE THANKFUL TO THEM
Marami tayong makikilala sa buhay, pero alam din natin kung sinu-sino ang mga taong nakabubuti para sa atin.
Sila yung mga taong naging mentors natin, tumulong sa atin at humubog sa ating mga talento.
Nand’yan din syempre ang ating mga mga kaibigan na sumuporta at tumulong sa mga pagsubok sa dumating.
At hinding-hindi ko yun kinakalimutan. Kaya, kayo rin sa mga taong tumulong sa inyo, huwag n’yo silang kalimutan at ipagwalang-bahala.
KEEP YOURSELF HUMBLE
Kahit malayo na ang ating marating, kailangan ay maalala pa rin natin ang ating pinagmulan. Nakatutulong ito upang mas magpursige tayo sa ating buhay.
Huwag nating antayin na lapitan tayo ng mga taong tumulong sa atin, kundi, tayo na mismo ang lumapit sa kanila upang magpasalamat at maipagpatuloy ang magandang samahan.
Hindi lamang ito pagtanaw ng utang na loob. It’s beyond that, it’s about
SHARING THE BLESSINGS
Sila ang naging blessings sa atin, dapat tayo rin ay maging blessings sa kanila. Hindi lamang ito sa pamamagitan ng mga mamahaling regalo, kundi sa patuloy nating pagbibigay suporta sa kanila.
Pwedeng through prayers, through encouragement kahit ano pa man ito, as long as makatutulong sa kanila, never think twice to give back to them.
Ganun din sa ating Panginoon. Dahil ang mga tao ay naging instrumento lamang ng ating Panginoon upang tulungan tayo, kaya huwag nating S’yang kalimutan.
Kaya naman kung buo ang ating paniniwala sa Kanya, hindi Niya tayo pababayaan. Gagawa rin ang Panginoon upang tulungan tayo.
Kailangan lamang natin piliin ang mga totoong tao na makabubuti sa atin. Mararamdaman din naman natin ito kung talagang biyaya ang isang tao sa atin.
“Magpasalamat sa Panginoon at maging biyaya sa iba
upang makita natin ang totoong kahulugan ng ligaya.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sinu-sino ang mga taong tumulong sa ‘yo upang harapin ang iyong mga pagsubok?
- Ano ang natutunan mo sa kanilang pagtulong sa iyo?
- Paano ka nagiging biyaya para sa ibang tao?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.