Single Blog

Travel Now, Pulubi Later

13650568 10153746943268034 501149588

Mahilig ka bang mag-travel?
‘Yun bang kapag may nakikita kang travel deals and promos, kaagad mo ito gina-grab? At kahit alam mo na walang matitira sa ipon mo, okay lang basta makaalis.

“Uy, piso fare! Tara na!”
“OMG! It???s a sign!”
“Book lang ng book! YOLO! You only live once.”

If there???s anything that people are really fond of doing today, ito???y walang iba kundi ang mag-travel. I have nothing against people travelling. Maski naman ako, when my schedule permits, sinusubukan kong umalis with my family.

May issue lang ito kung wala siya sa budget at uutangin mo ang pang-biyahe.
Ang nakakabahala lang sa ganito, eh ‘yung alis tayo ng alis. pero pagbalik pala natin, sorry to say…NGANGA na. Ibig sabihin, back to zero na tayo dahil naubos na lahat. May kasabihan nga, “travel now, pulubi later”.

Bakit nga ba may tendency ang mga tao mag-travel na walang plano?

FEELING RICH

Feeling lang, pero hindi sa totoong buhay. Here???s the thing:
When we travel, ang gusto pa ng iba ay ‘yung mamahaling accommodation, non-stop food trip, tours, and walang humpay na pagbili ng souvenirs that really eats up all your savings.

Maski lagpas na sa budget, hala! Sige pa din, basta may pasalubong sa lahat ng kaibigan, ka-opisina, at kamag-anak.

Minsan lang naman ito, kaya itodo na!
Masarap mabuhay ng mayaman, kahit ilang araw lang.

LACK OF PLANNING

Minsan, hindi na naiisip ng iba na hindi lang ang pang-travel ang kailangan i-budget dahil hindi lang dito nagtatapos.
Meron pang accommodation, pagkain, tour or sightseeing, pocket money, pasalubong, at marami pang iba.

Kapag nandoon na, doon na mapapasubo at minsan, nakakahiya man gawin, aasa na lang sa libre o kakapalan ng mukha at mangungutang.

Hayyyy! Nakakalungkot.

WE ONLY LIVE FOR TODAY

…but how about tomorrow?

‘Yung ‘craving’ natin to travel is just temporary, lilipas din iyan. Pero ang pagtanda o yung fact na wala na tayong kakayahan magtrabaho, ‘yun ang hindi natin maiiwasan dahil darating at darating iyan.

I know some of you think that saving up for retirement is too early for you. Pero alam niyo, sa lahat ng pwedeng pagkagastusan at pag-ipunan, this must be a top priority.

Retirement money will give us a comfortable life, kahit na hindi na tayo nagtatrabaho. It also allows us to purely enjoy dahil wala na tayong iniisip na utang.

THINK. REFLECT. APPLY.

Bago bumiyahe, may budget ka ba? Napag-ipunan mo ba ito?
Anong backup plan mo pagkatapos?
Are you ready to travel the road to financial freedom instead?

Comments (0)