Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

NAK, ITO ANG TOTOO

October 4, 2019 By Chinkee Tan

Naalala ko noon. May nakasakay akong mga college
students. Magboyfriend-girlfriend sila, baka isipin
n’yo tsismoso ako. Lol!

Nagkataon lang na katabi ko sila kaya narinig ko
ang linya ng lalaki.

Lalaki: Labas tayo mamaya. Binigyan na ako ng
allowance ni mommy.

Boom!

Napaisip ako bigla eh. Alam kaya ng mommy n’ya na
kasama sa allowance pati ang pag date nila? Haha!
Pag nagkataon pala, doble ang allowance ng lalaki.

And I realized,

Table of Contents

Toggle
  • BALEWALA PA SA KANILA ANG PERA
  • DAPAT MAG-IPON NANG MAAGA
  • OPEN SILA NA PAG-USAPAN ANG MONEY MATTERS
  • THINK. REFLECT. APPLY.

BALEWALA PA SA KANILA ANG PERA

Sigurado naman ako na marami rin sa inyo ang dumaan
sa ganung sitwasyon lalo na kapag nanliligaw. Magbibigay
ng regalo buwan-buwan, tapos susunduin at ihahatid pa.

Kung iisipin, kapag estudyante pa hindi naman talaga
galing sa manliligaw ang regalo n’ya dahil allowance
yun na binigay ng kanyang mga magulang.

So I think magandang parenting tips na rin na turuan
at pag-usapan ang tungkol sa pera. Para mas maging
masinop ang ating mga anak at mapahalagahan ito.

Hindi lang naman pera o yaman ang ating ipamamana
sa kanila kundi pati ang nararapat na kaalaman sa
paghawak ng pera upang hindi ito masayang.

Kahit anong paghihirap natin sa pagtatrabaho ngayon
para sa future ng ating mga anak, kailangan pa rin ay
alam nila kung paano at kung saan ito gagamitin.

Lalo na kung sila rin ay bubuo ng pamilya kaya

DAPAT MAG-IPON NANG MAAGA

“Mayaman naman mga magulang ko.”
“Nandyan naman sila mama at papa. ‘Di nila ako pababayaan.”
“Kahit ano naman pwede kong bilhin.”

Ok. Gusto ko lang ipaalala na hindi unlimited ang pera
natin. Nauubos din ito kaya kailangan mayroon tayong
good source of income na tuloy-tuloy.

Mahirap din kasi na palakihin natin ang ating mga
anak na sunod sa layaw o kaya naman ay sobrang
dependent sa atin. Kailangan kilala nila ang sarili nila.

They have to build and make their own identity. Hindi
lang “anak” natin ang tingin sa kanila ng ibang mga
tao. Kaya turuan natin silang bumuo ng pangarap.

We can teach and guide them to be successful in life
by letting them experience real life challenges. Hindi
naman natin sila pababayaan, pero hindi lang spoiled.

Para kapag nahanap na nila ang one great love nila,

OPEN SILA NA PAG-USAPAN ANG MONEY MATTERS

Dahil ito ang nakita nila at ito ang kinalakihan nila.
Para sa kanila, it’s not a taboo to discuss money
kahit nasa engagement period pa lang.

Kahit nga single pa nga lang eh. They already have to
plan for their future. Kahit hindi naman pamilya agad,
basta alam nila kung paano magpalago ng sarili.

Hindi lamang pera ang mahalagang pinapalago natin.
We also have to invest in ourselves. If we want to have
a healthy marriage, we also have be a healthy individual.

Sa panahon ngayon, napakadali na lang siguro manligaw
o kaya magkagustuhan. Pero kailangan ay talagang
magkakilala nang husto ang dalawang tao.

Mahalaga ito upang hindi na lang magkagulatan kapag
kasal na at magsisihan sa huli. Kaya habang nasa puder
pa natin ang ating mga anak ay turuan natin sila to
make right and good decisions.

“Hindi man tayo ang pipili ng kanilang mapapakasalan,
panatag ang loob nating alam nila ang tamang daan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga pinagdaanan n’yo na ayaw n’yong mapagdaanan ng inyong anak?
  • Paano ninyo tinuturuan ang inyong anak tungkol sa buhay?
  • Sinu-sino ang mga taong tumutulong sa inyo para magabayan nang maayos ang inyong anak?

———————————————————

You and your spouse can have a stress-free marriage where it concerns money. Learn ways you can build your marriage that will allow you to trust each other enough with your combined income. Buy this book for P190+100 SF and I will give you another one of my newest book “My Utang Diary” for FREE!

Grab your copies now! Click here: http://bit.ly/2lAEjLs

Bulk/ Reseller package also available here: http://bit.ly/2k29PBx

20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600

Promo is until October 19, 2019

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: totoo Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.