Kong Si Fa Chai!
Penge tikoy!
Hahaha!
Malapit na naman ang Chinese New Year.
This is the time where we get to eat lots of Tikoy and many chinese delicacies shared by our Chinoy friends.
Pinagpala ako ni Lord na nabigyan ako ng pagkakataon na pinalaki sa parehong mundo bilang pinanganak akong Chinese pero pinalaki sa ugaling Pinoy.
Marami akong mga kaibigan at classmate na mga Pinoy at ang tanong parati sa aking bakit ang galing ninyo mag-compute at humawak ng pera.
Do you want to know one of the secrets of a Filipino Chinese entrepreneur that make them successful?
Bilang isang Chinoy ang unang tinuro sa akin ng aking mga magulang ay hindi magbasa ng A,B, C kung hindi magbilang ng 1,2,3.
If there is one that I can choose is practicing the principle of…
DELAYED GRATIFICATION
Ito yung nagtitiis ka sa ngayon para maranasan mo yung ginhawa para sa kinabukasan.
Bakit ito ba ang naging kultura ng mga Chinoy?
Kailangan natin maunawaan ang kasaysayan na karamihan sa kanila ay lumikas ng kanilang bansa sa China para takasan ang kahirapan. Marami sa kanila ang mahihirap noong dumating sa Pilipinas at walang pera sa kanilang bulsa. Ni hindi sila marunong magsalita ng wikang Filipino. Walang mga kamag-anak, walang pera, walang alam kung paano makipag-usap at mabuhay sa isang dayuhang bansa.
Para sila mabuhay, wala silang piniling trabaho at gagawin ang lahat para kumita. Sila yung mga unang nagbebenta ng bote, diyaryo. Mga vendors, mga kargador at nangangalakal. Mahirap ang kanilang buhay.
Kaya tuwing kumikita, kailangan nila maging masinop at matipid. Kaya doon pa nauso yung DELAYED GRATIFICATION ito po ang naging kultura at haligi ng bawat Chinoy na handang magtiis sa umpisa para makatikim ng ginhawa. Ang tanong epekitbo ba? Ang dating mga nag bo-bote diyaryo, ngayon may-ari ng mga malalaking negosyo. Yung dating nagbebenta ng gamot na tingi-tingi, ngayong may-ari na ng drug stores. Yung dating nagbebenta ng sapatos, may-ari na ng mga malls.
So kung nais po natin mabuhay ng maayos at maginhawa, marami tayong mapupulot na aral sa mga kultura at pag-uugali ng mga Filipino Chinese. Kahit hindi ka full-blooded Chinese pwede ka rin maging utak Chinese sa paghahawak ng pera.
“Tipid now, GINHAWA LATER. Hindi
Gastos now, PULUBI LATER”
– Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw friend, kamusta na ang iyong spending habit?
- Mas malaki ba iyong kita kaysa gastos o gastos sa kita?
- Natitiis mo ba ang iyong sarili now, para guminhawa ang buhay later?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.