WHAT IS YOUR PAYDAY ROUTINE?
Bago pa mag- a-kinse, kapos na!
Kaswe-sweldo pa lang, ubos na!
Hindi pa nga pumapasok sa ATM, wala na!
Nakasanla kasi ang atm?
Bakit ba tayo umaabot sa ganoong sitwasyon?
FEELING RICH
Feeling lang, hahaha!
Ito yung pakiramdam na para bang ang saya-saya natin ngayong araw na ‘to.
Feeling excited
Feeling mabibili natin ang gusto natin
Feeling mayaman
Kapatid, baka kailangan na muna natin maging practical at maging discerning o mapag-pasya kung ano lang talaga ang “afford” natin. Iba kasi kapag ang dinidikta pakiramdam natin ang paiiralin.
Kung puo “feeling” ang magdidikta sa kung ano ang gusto natin, ang kahahantungan natin ay… NGANGA!
“I DESERVE TO REWARD MYSELF”
“Kailangan ko ng bagong damit, I deserve this!”
“Matagal ko nang gusto ito, I deserve this!”
“Oo ba, gimik tayo. I deserve a break!”
Kapag nandiyan na ang kita. Kadalasan feeling natin na kailangan natin i-sagad ang laman ng ating atm. Biglang ang dami mong gustong gawin at bilhin.
Hindi masama maghangad ng bago at magreward sa sarili pero make sure that it’s within our budget at hindi ka kakapusin.
FUTURISTIC THINKING
Masyadong advance ang ating thinking.
Ok yung advanced thinking, when it comes to planning for our future but not for spending.
Hindi pa nga dumadating ang sweldo, may plano na agad.
Kaya, napipilitan umutang kung sakaling hindi dumating in time ang sweldo dahil may commitment na.
Kapatid, I hope na-enlighten ka. Sana maintindihan natin na ang problema minsan ay hindi yung kita natin pero kung paano natin gastusin ang ating sweldo.
THINK. REFLECT. APPLY.
What’s your payday ritual?
Do you undergo the same process over and over again?
Bakit? Anong tingin mong mali?
How can you turn around your financial situation from negative to positive?
Mahirap magbilang ng sisiw kung hindi pa napipisa ang itlog.
Minsan may nabubugok!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.