Sabi nila, basta’t kung may sipag at tiyaga mayroong mailalaga.
Peymus ito sa ating mga Pilipino.
Kilala ba naman tayo sa pagiging madiskarte at maabilidad, eh!
Madalas sa atin kayod ng kayod para lang may ipangtustos sa araw-araw.
Isang kahig, isang tuka.
Mga seryoso sa pagsisipag at pagtityaga.
Na talaga namang yumayaman at kung minsan sobra pa.
Ano kaya ang sikreto nila?
Sipag at tiyaga nga lang ba talaga?
Sa aking opinyon and through experiences,
hindi talaga mawawala ang sipag at tiyaga.
Mas nagiging epektibo ang resulta nito
kung sasamahan nang…
KAALAMAN AT TALINO SA PAGPAPLANO tiyaga
(Photo from this Link)
Maraming nagsasabi, bumabagsak ang negosyo
kung hindi pinagpaplanuhan ng tama.
Which is tama naman and I think common sense ito.
Kailangan nating mag-research at kumuha ng tiyak na kaalaman
sa negosyong ating sisimulan.
Pag-aralan ang nature ng negosyo,
target market at posibilidad na investment para dito.
Sa gayon ay hindi lilipad sa hangin ang ating pagod at pera.
5-year plan ba ito? 10 years? 15 to 20 years?
PUSO AT BISYON SA MGA PLANO tiyaga
(Photo from this Link)
Kung may tamang kaalaman,
dapat ay meron ding passion o puso
sa ating pagnenegosyo o kahit pagtatrabaho.
One can last doing a thing out of passion.
The reason kung bakit may mga planong nauudlot sa kalagitnaan
ay dahil na rin sa kakulangan ng “push” sa vision at mission.
Kailangan din siyempre ng sapat na determinasyon
upang ma-reach mo ang iyong goal.
PAGTITIWALA SA DIYOS tiyaga
(Photo from this Link)
I strongly believe, marami man at maganda
ang ating plano sa buhay at negosyo,
plano at mga paraan pa rin ng Diyos ang magwawagi.
Ano dapat gawin?
Commit to the Lord whatever we do
and He will establish our plans.
Dahil sa buhay natin sa mundong ibabaw…
“Hindi sapat ang Sipag at Tiyaga dahil mas mahalaga ang Pananampalataya natin sa Lumikha.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Pinagkakatiwala mo ba sa Diyos ang iyong plano sa buhay at pagnenegosyo?
- Kung hindi pa, kailan mo balak simulan?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.