Single Blog

The Great Comforter

WHEN EVERYONE AROUND US FAIL GOD NEVER FAILS

Iniwan ka ba ng mga taong mahal mo sa buhay?
Pinagsamantalahan ka na ba ng ibang tao?
Nasayang lang ba ang mga pinagpaguran mo?

Sunod-sunod ba ang dating ng mga problema at pagsubok sa buhay mo?

Lahat tayo ay dumaranas ng kabiguan at kapaguran sa buhay.

Dumating ka na ba sa punto na…

Wala man lang yumayakap sayo?
Wala kang malapitan?
Wala kang maiyakan?
Walang nakikinig sayo?
Wala kang masandalan?
Wala kang mahingan ng tulong?
Walang naniniwala sayo?
Walang nagpapalakas ng loob mo?
Walang nag-eencourage sayo?

Alam kong may point sa ating buhay na halos gusto na nating tapusin ang lahat ng mga nararamdaman nating paghihirap, to the point na isiping tapusin na lang ang ating buhay.

If you are going through this process, hindi aksidente na binabasa mo itong blog na ito. Hindi ka nag-iisa, kapatid. Maaari tayong iwanan ng tao, pero ang Diyos ay hindi tayo iiwan kailanman. Kahit napalayo tayo sa Kanya, at minsan nakakalimot, nananatili Siyang tapat at mapagmahal sa atin. Makakaasa tayo sa Kanya sa lahat ng oras, sa lahat ng panahon, at sa lahat ng pagkakataon.

He promised us that as we come to Him, He will gives us rest. He is our great comforter. We can bring all our troubles and burdens to Him. He will listen, He will wipe every tear from our eyes, He will rescue us, He will strengthen us, He will renew our strength, He will give us peace, He will give us joy, and He will fulfill every promise He has for us. We just need to come to Him. He is waiting.

He is always there ??? anytime, anywhere. He stayed the same throughout the ages. His love never fails and will never give up on us. He cares about you and me more than anyone else does. He is our great comforter.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ang mga pinagdadaanan mo lately?
Do you need God???s comfort?
Lumapit ka na ba sa Kanya?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link