Para silang mga bubuyog kung umasta.
Kada atake, masakit.
Bawat paninira, na-kakasugat at malalim ang trauma.
Iyan ang epekto at sakit na dinaranas ng mga taong target ng chismis.
Maliit man o malaking bagay,
Hala sige..
nagkukumpulan at uubusin ang kanilang oras para siraan ang iba.
“Mareremata na daw bahay niyan eh.”
“Alam mo ba balita ko laki ng utang niya sa kapatid niya!”
“Na-promote lang naman ‘yan dahil may backer eh.”
Kung biktima ka ng chismis, o nakakaranas nito, paano ba natin ito lalabanan?
WALK AWAY
(Photo from this Link)
May katotohanan man o kasinungalingan ang umiikot na chismis tungkol sa iyo,
JUST. WALK. AWAY.
Umiwas.
Huwag patulan.
Wala ka din namang ma-a-accomplish kung papakinggan mo sila.
FOCUS ON WHAT’S IMPORTANT
(Photo from this Link)
Huwag nating hayaang maubos ang oras natin sa pagiging galit at paghihiganti.
Ang chismis ay recipe for disaster kaya wag ito isali sa niluluto nating tagumpay.
Keep your eyes on your TRUE GOAL — your family, career, your next project, or probably your dream job, or house.
HUWAG MAGPA-APEKTO
(Photo from this Link)
“Ayoko na pumasok, ganon ang tingin nila sa akin.”
“Wala na akong mukhang ihaharap.”
“Magre-resign na ‘ko.”
Kapatid, iyan ang tingin NILA sa atin pero ano ba ang mas mahalaga dito, hindi ba ang tingin natin sa sarili natin?
Kung sinasabi nilang madami tayong utang, alam mong makakalabas ka din.
Kung sinisiraan tayo dahil sagad na sagad na, alam mong ginagawan mo ito ng paraan.
“Ang latang walang laman ay maglilikha lang ng ingay”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Napag-tsismisan ka na ba?
- Sa anong dahilan?
- Handa ka bang magpatawad at mag-focus sa mas mahahalagang bagay?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.