Ever wished for a perfect family?
Yung minsan hindi natin maiwasang i-compare
yung pamilya na meron tayo at sa iba.
Dumating na ba kayo sa ganitong punto ng buhay?
Bakit kaya may mga pagkakataong mas marami yung “sana”
kaysa sa “thank you at sila ang pamilya ko.”
Pero alam n’yo ba, no family is like the other.
Kung nasaang pamilya man tayo,
yu’n ay marahil plano ng Diyos.
Meron yang dahilan at purpose.
But of all these, the greatest lessons
I’ve learned about families are:
FAMILY IS A LIFETIME TREASURE
Hindi natin maikakaila na meron ibang tao
na mas gugustuhin pang makasama
ang mga barkada kaysa sa kanilang pamilya.
Kung saan mas tinuturing pa nilang pamilya
ang kanilang mga kaibigan at ibang tao.
Kung anuman ang tunay na dahilan ay hindi ko alam.
Isa lang ang sigurado ako sa mga natutunan ko sa buhay,
ang ating pamilya ay isa sa ating lifetime treasures.
Itakwil na tayo kung minsan nang barkada natin,
ikahiya o kaya ay iwanan,
ang pamilya natin ay maaasahan pa rin nating balik-balikan.
Ang iba siguro ay hindi buo ang pamilya,
ngunit may mga magulang o kapatid na matatakbuhan.
Sila pa rin yung unang nakaiintindi sa atin
at umaalalay lalo na sa gitna ng problema sa buhay.
FAMILY IS IRREPLACEABLE
Mawala na ang lahat, o ipagpalit na tayo ng iba
pero never ang ating pamilya.
Yung comfort at convenience na natatamasa natin
kung sila’y kasama at kausap ay kakaiba.
Uulitin ko. Some of us may not have
the perfect family we have dreamed of,
pero meron at meron pa rin sa ating pamilya
ang nagmamahal at nagpapahalaga sa atin.
Isa sa pinakamalaking regalo natin sa buhay
ay ang ating pamilya na alam nating mamahalin tayo ng buo.
FAMILY IS GOD’S GIFT
Sabi nga nila, gift is something
we do not deserve or even ask for.
Katulad ng ating pamilya, it is a gift.
A great gift we can ever receive from God.
We are already blessed when we have a family –
whether complete man o hindi.
Ano pa kaya ang pamilyang nagbibigay halaga
at nagmamahalan nang buong puso at kaluluwa?
I must say that we’re more than blessed.
Bukod sa maginhawang buhay at tagumpay
na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon,
ano pa nga ba ang mahihiling natin sa pamilyang caring and loving?
“Ang pinakamalaking regalo sa atin ng Panginoon
ay ang pamilyang nagmamahalan.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Masaya ka ba sa pamilya mo ngayon?
- Paano kayo nag-bo-bonding ng iyong family?
- How can you inspire others to give importance sa pamilya nila?
———————————————————————–
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.