May mga kamag-anak o kapamilya ba kayo
na sobrang successful na in life?
Looking at ourselves and asking,
”Bakit parang ako hindi pa? Kailan kaya?”
Nakapag-isip-isip ba tayo kung ano na ang ating nagawa
para marating din ang tagumpay na inaasam-asam?
Sa dami ng mga pangarap at goals na gustong marating ngayon,
minsan nakalilimutan na natin
na hindi lang din pala dapat ang sarili ang iniisip.
Three of the best responses that we can give
to them whenever they reach successes in life are:
MAGING MASAYA TAYO PARA SA KANILA
Ang pagiging masaya para sa ating kapamilya
sa bawat pag-abot ng kanilang achievement
ay isang paraan para sila ay mas ma-encourage.
We may know it fully or not, ang paghihirap
na pinagdaanan nila ay hindi rin biro,
especially if we were to put ourselves in their shoes.
“Ang galing ng ginawa mo!”
“Congratulations! We’re proud of you!”
“Ipagpatuloy mo lang ha, ‘wag kang susuko.”
Simple mang maituturing ang mga salitang ito,
but this is also a way of acknowledging them.
Simple man pero nakapagbibigay ilaw at buhay para sila’y magpatuloy pa.
ANG TAGUMPAY NILA AY TAGUMPAY RIN NATIN
Malaki man o maliit ang naging achievement,
maituturing pa rin itong tagumpay dahil pinaghirapan nila.
Sabi nga ng iba, wala namang napagtatagumpayan kung hindi paghihirapan.
We do not reap a harvest of seeds we do not sow.
But the fact na tayo ay naging kaagapay nila
sa hirap at ginhawa, sa kawalan at kasaganaan,
sa moral support o through finances,
tayo ay sumama pa rin sa tagumpay nila.
Hindi man visible at malaki ang naging contribution ng iba,
malaking bagay pa rin ito para sa kapamilya nating kailangan tayo.
WALANG MAGANDANG MAIDUDULOT ANG PAGIGING MAINGGITIN
Sa halip na tayo ay maging mainggitin,
bantayan ang bawat kilos nila at punahin,
balik tayo sa pagiging masaya para sa kanila.
Kung sa tingin natin ay sila ay papunta pa lang
at tayo ay pabalik na sa laban ng buhay,
hindi ba’t mas maganda na gabayan sila?
The bottomline is we help and lift up each other.
Ang inggit ay proven and tested na nakasisira ng
relasyon ng pamilya o ng magkakaibigan.
Kung mahal din natin sila, tayo ay gagawa ng paraan
to bring out the best in them too.
Instead of putting others down for our selfish
ambitions, sana ay lagi natin itong tatandaan:
“Ang pag-unlad ng ating kapamilya ay pag-unlad din natin.
Huwag natin silang sisiraan sa iba at iwasan ang pagiging mainggitin.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Do we acknowledge the effort and success of our loved ones?
- Tayo ba yung tipo na taga-encourage sa kanila o nanghahatak pababa?
- How can you encourage someone today to continue doing on what they believe they’re good at?
———————————————————————————–
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.