“Tagu-taguan maliwanag ang buwan, maglaro tayo sa dilim-diliman..”
Yan ang mga linyang sinisigaw ng mga batang naglalaro ng taguan.
Magtatakip ng mata ang taya at pagkatapos magbilang ng sampu, hahanapin nya na ang mga kalarong nagtatago. Kapag may nahuli sya, sisigaw sya ng boom at mag-uunahan silang tumakbo sa base. Kung sinong mahuli, siya ang taya.
Ang saya maglaro ng taguan hindi ba? Basta wag ka lang laging taya. Pero sa tunay na buhay, hindi masaya pag may mga taong pinagtataguan ka. Mga taong kahit anong hanap mo hindi mo mahagilap. Sino ang mga taong ito? Ito ang mga taong may utang sayo.
Nakakapagtaka na naglalaho silang biglaan kapag nakautang na sila sayo, samantalang nung panahon na nagungutang sila, panay ang paramdam, panay ang pakita, panay ang text, sabay like at comment sa mga social media accounts mo at kapag nakuha na ang kailangan nila, BLOCKED ka na.
Parang maamong tupa at talaga namang napakabait kapag makikiusap sayo para mangutang. Magpapakumbaba ng husto pumayag ka lang na makautang sya. Pero kapag singilan time na, parang tigre sa tapang. Nuknukan ng arogante. Ikaw na itong agrabiyado, siya pa itong galit! Edi wow!
Mahirap kausap at ka-transaksyon ang mga taong sinungaling. Ito yung mga taong walang isang salita at hindi sumusunod sa usapan. Minsan papalabasin pa nila na ikaw ang masama, sinungaling at walang puso. Ikaw na itong naperwisyo at nalamangan, ikaw pa itong masama.
Nakakalungkot dahil maraming buhay at relasyon na ang nasira dahil sa utang. Kung ikaw ay laging taya (laging nauutangan tapos natatakbuhan) magandang maitanong natin sa ating sarili ang mga tanong na ito…
Ano nga ba ang maaari nating gawin sa ganitong sitwasyon?
Paano natin maiiwasan ang mga ganitong mga tao?
CHOOSE THE PEOPLE YOU WANT TO HELP
Hindi lahat ng tao ay pwedeng pagkatiwalaan.
Alam mo naman siguro ang reputasyon ng mga lumalapit sayo.
Kahit ba sabihin mo matalik mong kaibigan, ka-opisina, kamag-anak.
You lived long enough to know them.
Ask yourself…
Maganda ba ang track record nito?
Meron ba siya isang salita?
Kung ano ang sinabi niya ay tutuparin niya!
One last idea…
GIVE INSTEAD OF LEND
Para simple ang buhay, tumulong na lang tayo sa aabot natin makakaya. Huwag na lang natin pautangin. Maglaan na lang tayo ng halaga na kahit hindi na maisoli hindi ka mabubuhay sa stress.
Di ba mas maganda yun, nakatulong ka na, feeling blessed ka pa!
THINK. REFLECT. APPLY.
- Pagod ka na ba makipag-taguan?
- Meron pa bang mga taong nangutang sayo na hindi pa rin bagbabayad?
- Ano ang plano mong gawin? Singilin mo sila at kulitin? O ipaubaya mo na lang sa Diyos?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.