Mangungutang sana sa kapit-bahay
pero biglang may dumaan na itim na pusa.
Itutuloy pa ba o sa iba na lang mangungutang?
Baka hindi pautangin kasi malas daw ang itim na pusa.
Makalat ang bahay nung new year,
Ayaw magwalis kasi lalabas daw ang swerte.
Kapag nagbigay ng pitaka sa ibang tao
siguraduhing may barya o maski bente pesos
para hindi maubusan ng pera ang tatanggap.
Dumating na ba kayo sa punto na ganito?
Yung lahat na lang ng pangyayari sa buhay,
ang pag-asang kumita ng malaki at yumaman,
gumanda ang buhay at guminhawa ay inaasa lamang
sa lucky charms o “swerte”?
Sa kultura nating Pinoy, mukhang nakadikit
na sa atin ang pag-asa sa “swerte”.
“Anting-anting” kung minsa’y tawagin.
Madalas ay nagiging suki pa nga tayo
ng iba’t ibang pampaswerte lalo na
tuwing New Year, Valentine’s Day at kung ano pa.
Ang katotohanan niyan, mga KaChink…
THERE IS NO SUCH THING AS “SWERTE”
(Photo from this Link)
Nabasa n’yo ‘yan nang tama.
Wala naman kasi talagang swerte!
It’s either hindi pa para sa atin dahil:
- Hindi pa tayo handa
- O may better na darating
O kaya naman ay kailangan lang nating maghintay
nang kaunti dahil marami pang dapat na matutunan.
Nasa training process pa tayo kumbaga.
Ang mga naniniwala sa swerte para lang ‘yan sa
mga nagmamadali o hindi nagtitiwala sa plano ng Panginoon.
Imbis na mag-trabaho nang mabuti at masigasig,
yung mga pampaswerte o pagkakaroon ng “swerte” mindset
ay nagiging dahilan na tayo’y maging tamad.
“Di bale, seswertihin din tayo”
(Hindi naman naghahanap ng trabaho)
“Yayaman ako balang araw”
(Napaka tamad naman at nakababad lang sa cellphone at tv)
NAGBUBUNGA ANG PAGPUPURSIGI AT PAGSUSUMIKAP swerte
(Photo from this Link)
Hindi man natin nakikita sa ngayon
ang lahat ng bunga ng ating paghihirap
sa trabaho, pamilya, pag-aaral, negosyo o
kahit sa babaeng nililigawan at pamilyang pinamamanhikan (Naks!)
ang tagumpay na galing sa buong pusong pagpupursigi
ay siguradong nagbubunga nang maganda.
Maybe not all the time is the way we want it,
but for sure, it will not be in vain.
IT PLEASES THE LORD TO BLESS US swerte
(Photo from this Link)
Kaya ako hindi naniniwala sa swerte ay dahil dito.
Naniniwala ako na kung tayo ay handa na
physically, emotionally, mentally at kahit pa financially,
ang lahat nang inilaan sa atin ng Diyos ay ipagkakaloob Niya.
We just need to trust in Him.
Give all the best we got when we work.
Seek His will and pray without ceasing.
“Hindi tayo dapat maniwala sa salitang “swerte”.
Dapat ay maging masipag tayo at laging magpursigi.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Isa ka rin ba sa naniniwala pa sa “swerte”?
- Pagkatapos mong mabasa ito, nag-iba ba ang pananaw mo?
- Paano mo i-motivate ang sarili to work hard than trusting in “swerte”?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P499 (Discounted rate)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“WHY RETIREMENT PLANNING IS A MUST”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2MCv5H1
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.