From our Tip #2 sa 5 Mistakes na dapat iwasan
para hindi maging pulubi, here’s our next!
Alam n’yo bang mas marami
ang naghihirap dahil nakasalalay ang buhay sa
swerte?
Halimbawa:
- Inaasa ang kapalaran sa horoscope for the day
- Ang madalas na pagtaya sa lotto
- Araw-araw na pagsusugal tulad ng sabong
- Laging pagtext o pagsali sa mga palaro sa TV o radyo
Para saan?
Dahil nagbabakasakaling manalo ng
1 million, house and lot, o kaya
kahit magkano lang para maitawid
ang pamilya sa araw na iyon?
At sa sobrang pagbabakasakali
inaaraw-araw na.
Pero naisip na ba natin na ang perang ginagastos
sa pag-asang baka tayo ay suwertihin
ay walang pinagkaiba sa pagsusugal ng ating kinabukasan?
Don’t let this happen, KaChink!
Huwag sayangin ang oras, panahon, at pera
sa paghintay kung kailan tayo mananalo
o dadalawin ng swerte.
Tip #3: “IWASAN ANG UMASA SA SWERTE – Do not put your stake on chance.”
WALANG KASIGURADUHAN SA SWERTE
(Photo from this Link)
Try to calculate ang pwedeng magastos sa
pagsusugal tulad ng pagtaya sa lotto.
P20.00 x 30 days x 12 months = P7, 200.00
Multiplied to the number of years na patuloy sa pagtaya.
Sa milyong-milyong tumataya araw-araw sa lotto…
Sa daan-daang umaasa na sila’y mananalo din sa
sabungan o casino,
talaga bang aasa tayo at wala ng gagawin
kundi magbakasakali?
Kung kaya naman natin trabahuhin,
kung may kakayahan naman tayong kumita,
doon na tayo sa sigurado, ‘di ba?
Kaya’t ang magandang gawin?
IPUNIN ANG PERA PARA MAKAPAGPUNDAR
(Photo from this Link)
Kung tayo ay tataya, mas mabuti nang itaya ang pera
sa pagpapatayo ng sariling negosyo.
Yung pa bente-bente, IPUNIN NALANG ‘YAN!
Sa isang taon, makabubuo tayo ng P7,200.00 at
pwede na natin ito gamitin para makapagsimula
ng maliit na negosyo.
- Buy and sell
- Online shop
- Sari-sari store
…at marami pang iba!
Siguradong kikita, malaki man o maliit.
Unlike sa sugal, lagas ang pera
kapag hindi nanalo.
Sayang.
NASA TAO ANG GAWA
(Photo from this Link)
Tandaan natin na walang nagtatagumpay
ng mabilisan lang.
Ang totoong nagtatagumpay ay
yung may ginagawa para umunlad ang buhay.
Sila yung nagtatrabaho, nagti-tiyaga,
at marunong maghintay.
Eh kung nakatunganga lang tayo,
naghihintay ng swerte,
pa bilog-bilog o pa scratch-scratch lang
sa ating mga cards, pa sali-sali sa sabungan
eh talagang walang mangyayari sa atin.
Lahat ‘yan ay GAME OF LUCK lang.
“IWASAN NA UMASA SA SWERTE.
– Do not put your stake on chance.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Tagline mo ba ang “bahala na si Batman”?
- Mahilig ka rin bang umasa sa swerte?
- Ano ang na-realize mo pagkatapos mabasa ito?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off + 2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000
Click here: http://bit.ly/2F3GwHa
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“TIME DEPOSIT VS MUTUAL FUND”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2G4VXNz
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”
Registration: P950 per couple
March 10, 2018
With ONE MONTH Free Access and FREE Book
Click here: http://bit.ly/2ovAfKo
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.