Kapag gutom na gutom ka na, ano ang kinakain mo?
“Instant noodles.”
Kapag may kailangan kang i-research, ano ang source mo?
“Google syempre.”
Kapag may gusto ka sabihin sa tao, paano mo siya kino-contact?
“Text o kaya chat.”
Eh, kapag ayaw mo sa current na trabaho mo, kumpanya, o kurso, anong ginagawa mo?
“Eh di lipat. Madami naman diyan eh.”
Teka, ano? Pati ba naman sa pag aaral at trabaho na kung saan nakasalalay ang kapalaran mo, instant din ang pagde-decide mo, na tipong hindi ka na makahintay?
“Eh kasi ang tagal ng promotion dito!”
“Parang hindi kasi ako umuusad, anong petsa na.”
“Bakit naman ako magti-tiyaga kung pwede naman mamili ng iba?”
Ang nakikita kong mali sa panahon ngayon, sa sobrang exposed natin sa isang fast-paced world na kung saan lahat ay mabilis at lahat ay instant, ultimo ang dream na magkaroon ng isang magandang future at successful na buhay ay minamadali na din at nasa-sacrifice na para bang ang focus nalang ay yung end result.
Alam niyo, there’s no such thing as an easy way up. In fact, success only happens when a person understands the whole journey towards his or her goal. Dito kasi natin malalaman yung mga bagay na kailangan natin baguhin, i-develop, pagtuunan ng pansin, at mga pagkakamali na dapat natin iwasan sa susunod for us to see the real essence in it.
Ano nga ba ang dapat natin tandaan when it comes to SUCCESS?
BE PATIENT
Bakit ka ba nagmamadali? Ano ba ang hinahabol mo at inip na inip ka?
Tandaan mo that everything in life has a price. Meaning, bago mo makuha ang hinahangad mo, kailangan mo muna mag-invest ng time, effort, at emotions dahil iyan ang mga bagay na magbibigay sayo ng life lessons na dadalhin mo as you move toward success.
Huwag mong laktawan ang mga importanteng bagay na magdadala sayo sa taas. Enjoy and appreciate the journey, ika nga.
BE PERSISTENT
Kung may gusto kang gawin, simulan mo na at huwag kang titigil kahit na may mapagdaanan ka pang challenges. Sabi ko nga, you’ll be needing those things in your journey. They will make you better at your craft every step of the way.
Tulad ko, bago naman ako dumating sa kinaroroonan ko ngayon, ipinagpatuloy ko ang aking pangarap despite the barriers na humadlang sa akin. The moment na naramdaman kong I want to be an instrument to people and to inspire others, hindi ako tumigil at ginamit ko yung mga barriers na iyon to rise above the challenges.
Ganun naman kasi talaga dapat, kung gusto mo ang ginagawa mo, walang pwedeng makapagpatumba sa’yo that’s persistence and perseverance.
SUCCESS IS NOT A DESTINATION BUT A JOURNEY
Usually ang thinking natin ay,
“Ah kapag na-promote ako, successful na ako.”
“Kapag may one million na ako, successful na ako.”
“Kapag natapos ko yung project, successful na ako.”
No, hindi mo dapat tinutuldukan ang salitang SUCCESS. Aside sa mga natutunan mo along the way at yung mga challenges na na-encounter at nalagpasan mo, importante din na malaman mo na ang success ay hindi dapat natatapos but it should be a continuous process hanggang nabubuhay tayo. Never stop learning!
DON’T LIVE IN THE PAST
“Dati manager ako sa kumpanya namin.”
“Dati mayaman ako.”
“Dati kaya ko yan eh.”
Dati ka ng dati, pero natanong mo na ba sa sarili mo kung ano ka na ngayon? At ano na ang mga nagawa mo at nag-improve sayo?
Kasi baka mamaya, you are too overwhelmed with what you have achieved in the past, nakakalimutan mo na kumilos at the present and for the future. It’s nice to celebrate what you have achieved so far, pero mas maganda kung dudugtungan mo ito ng mas madami pang learning para magamit mo ito to reach your next goal and target.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ba ang definition mo ng success?
Ano yung mga bagay na naabot mo na?
Ano ano yung mga natutunan mo dito?
Are you ready to achieve success? You can also check on these related articles:
- 3 THOUGHTS THAT SABOTAGE YOUR SUCCESS
- The Mindset of Preparedness and Toughness: Your Key Ingredient to Success
- 3 Things You Need To Say To Yourself Daily To Become Successful
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.