Single Blog

STRESS! INIS! BAD TRIP!

Ikaw ba ay mabilis magalit?

Nakakagalit ang mga taong wala ng ibang iniisip kundi ang kanilang sarili.
Nakakagalit ang mga taong walang ginawa kung hindi magsinungaling.
Nakakagalit ang mga taong hindi marunong sumagot sa kanilang cell phone at mag return ng text.

Well, karapatan natin lahat na magalit, pero kung iisipin natin, anong magandang idudulot kung tayo ay mabubuhay sa galit?

STRESS! INIS! BAD TRIP!

Masisira lang ang ating araw at walang magandang mangyayari sa ating buhay.

Bakit natin paparusahan ang ating sarili sa pagkakamali ng ibang tao?

The moment we don’t forgive, tayo ang talo sila ang panalo.

Imagine mo, araw-araw mo naalala kung ano ang ginawa nila sa iyo.
Gabi-gabi mo iniisip at hindi ka makatulog kung paano ka makaganti sa kanila.

Sa totoo lang, ikaw ang nabubuhay sa stress at hindi sila.

Let us not live in bitterness but in forgiveness.
Let us live in peace rather than in hate.
Let us life a stress-free life rather than a stressful life.

I think the best solution to a life of stress is to release and to rest in the peace of God.

Release your stress and you you will be bless!

THINK. REFLECT. APPLY.

May mga tao bang nakasakit sa iyo na hindi mo pa ba napapatawad?
Sa palagay mo panahon na ba na mabuhay ka naman ng mapayapa o gusto mo pa rin na mabuhay pa rin ng stress?

I hope that you will be able to make a wise decision because hindi lang ikaw ang naapektuhan kung hindi ang mga taong nakapaligid din sa iyo.

Comments (0)