Masama ba ang mangarap na magkapera?
Masama ba ang mangarap na magkaroon ng magandang tahanan o sasakyan?
Para sa akin, walang masama sa mga pangarap na ito.
Pero may mga pagkakataon talaga na ang simpleng mga pangarap ay NABABAHIRAN na ng kasakiman.
Lahat naman ng kalabisan ay nagiging masama.
Kung sobra ka sa???
…candies at chocolates, ikaw ay magkaka-diabetes.
…pagkain, ikaw ay tataba.
…paglalaro ng games, hindi mo matatapos ang iyong ginagawa.
…paggastos, ikaw ay kakapusin at mapipilitan na umutang.
Nag-uumpisa naman lahat sa tamang hangarin, pero umaabot na sa kalabisan, kasunod nito ang paglabas ng iyong totoong kulay.
Naniniwala ako that money CAN’T change a person, but it sure can reveal a person’s character.
Mahirap MAPANSIN na ikaw ay SAKIM, dahil ito ay mapanlinlang.
PAANO MO MALALAMAN KUNG IKAW AY PAPUNTA NA SA KASAKIMAN?
One sign is when …
MORE IS NEVER ENOUGH
Sabi mo, “Kumita lang ako ng isang libo kada araw, okay na ako.”
Pero nung naka isang libo ka na per day, sasabihin mo naman, “Kulang pa din pala, sana kahit dalawang libo man lang.”
Ang MINDSET mo is this: “It will only be enough when I have MORE than what I have TODAY.” At kapag nakamit mo na yung “more“, kulang pa din dahil you want more of what you have in the present.
Isa pang senyales na ikaw ay greedy is when you …
ALWAYS COMPARE
Nakita mo yung kapitbahay mo na nag-park ng brand new na sasakyan, so ayaw mong MAGPAHULI kaya bibili ka din ng bagong kotse kahit maayos pa ang iyo.
May bagong LV bag ang kumare mo, kaya bibili ka din. Yung mas mahal pa ang pipiliin mo kahit may isang dosenang bag ka nang nakatambak sa iyong cabinet.
Kapag ang kagustuhan mo sa pagbili ng mga bagay ay galing sa INGGIT at hindi dahil sa kinakailangan mo ang mga ito, pagiging gahaman na yun.
And another indication that you are greedy is when you are …
QUICK TO COMPROMISE
Dahil feeling mo kulang pa ang iyong pera, MANGUNGUTANG ka kahit alam mo na maling gawain ito.
MAGSUSUGAL KA, para mapunan mo lang yung kulang.
Despite the FACT na may mali ang ginagawa mo, you tend to JUSTIFY your actions para mapagtakpan ang PAGKAKAMALI.
Greed is not an issue of money, it is an issue of the HEART. Money is not the root of all kinds of evil, it is the LOVE of money.
`
Nakakita ka na ba ng pera na tumaya sa sugal? O kaya pera na lumabas sa wallet mo para bilhan ka ng mas mahal na bag kaysa sa kumare mo? Wala diba? Kasi yung puso ng taong MAY HAWAK ng pera ang NAGDIDIKTA kung saan ito mapupunta.
And all you need to do to be free from greed is to be CONTENTED. How?
By BEING THANKFUL for anything and everything that you now have.
By NOT COMPARING yourself to other people.
By STANDING FIRM in doing what is right despite your financial needs.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kuntento ka ba sa kung anong meron ka o sa palagay mo, nagiging gahaman ka na?
Kung tingin mo ay gahaman ka, how will you guard your heart para hindi ka na maging greedy?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.