Sabi nila kapag nagkamali ka, itama mo. Kapag nadapa ka, bumangon ka. Kapag napunta ka sa dead end, magsimula ka ulit. Start over again when you failed.
Pero syempre, mahirap ito. Mahirap magsimula ulit. Hindi madaling umalis sa lugar na nakasanayan mo na.
Lalong mas mahirap talikuran ang mga bagay, tao, trabaho o negosyo na naging kumportable ka na.
Starting over again is hard, but sometimes it’s worth it.
SOMETIMES STARTING OVER AGAIN IS OUR ONLY OPTION
Kahit na mahirap, kahit na masakit sa damdamin, kahit na nakakatakot, baka ito lang talaga ang paraan para maayos ulit ang buhay natin.
Baka ito lang ang paraan para maabot natin ang ating mga pangarap. Baka ito lang ang paraan para makuha natin ang buhay na ating inaasam.
We need to move on and move forward to grow for the better. Pero tandaan mo, mahirap mang talikuran ang mga bagay na naging sanhi ng pagkadapa mo, meron ka pa ring lakas para talikuran ito at bumangon muli.
‘WAG MAGPABALOT SA TAKOT
Gaano man kalaki ang takot at negative thoughts na meron ka sa pagsisimula muli. Tandaan mo na mas lamang ang potential na maging masaya kang tunay kapag ginawa mo ito.
Kaya kailangang huminga ka na nang malalim at lakasan ang loob mong subukan at simulan na ito. You will never know what lies ahead of you if you do not try.
IT’S TIME!
Subukan mo lang. Open yourself to as many opportunities as you can. Start with one step at a time until you see how beautiful life truly is.
Start treating yourself right and better. Socialize with the right people. Humanap ka ulit ng bagong trabaho. O kaya’y magtayo ng bagong negosyo, kahit maliit lang.
Unti-unti ay makababangon ka ulit at mabubuhay nang mayroong mas malakas na loob at matibay na puso para harapin ulit ang mga hamon ng buhay.
“Hindi natin deserve ang buhay na toxic at puro negativity lang ang dulot sa atin.
We need to do something to be truly happy.”
– Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY
- Have you ever failed in your life?
- Paano ka nakabangon muli sa failure na ito?
- Ano ang mga natutunan mo mula sa mga past struggles mo sa buhay?
—————————————————
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @chinkeetan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.