Have you been fighting with your spouse over and over again pagdating sa pagdedesisyon?
Sa pagtatalo na lang ba lagi nauuwi ang paguusap?
May gustong business pero ayaw ni Mister.
Maganda ang diskarte, pero kontra si Misis.
Makakabuti sa pamilya, pero magkaiba kayo ng opinyon.
Normal sa mga mag-asawa ang hindi pagkakasundo pagdating sa mga desisyon dahil may kanya kanya tayong gusto.
Pero kapag naiipit sa ganitong sitwasyon anong pwedeng gawin para hindi masira ang relasyon?
Keep in mind that:
MARRIAGE IS A PARTNERSHIP, NOT SOLE PROPRIETORSHIP
(Photo from this Link)
Team kayo at hindi pwedeng napag-iiwanan ang isa.
Para itong:
Kutsara’t tinidor.
Susi at pinto.
Dinuguan at puto.
Kape at gatas.
Na kapag wala ang isa, walang saysay at hindi makabuluhan.
That’s how marriages should work.
TWO HEADS ARE BETTER THAN ONE.
(Photo from this Link)
We may have a great idea but it will improve even more if both you and your spouse are involved here.
Simple lang naman magtanong:
“Ito kasi plano ko, anong tingin mo?”
“Okay kaya kung mag-business tayo?”
We must be humble enough to admit na hindi natin alam lahat.
Huwag magsolo at pakinggan muna kung saan nanggagaling ang kanilang reaksyon.
Maaring tama, maaring mali, but this is the best time to listen to our spouse.
Then….
REACH AN AGREEMENT
(Photo from this Link)
Somewhere along the way, meron at merong mararating ang ating napagusapan where we can compromise.
It may work like this:
“Pwede magbusiness PERO 10k lang ang gagamitin na capital.”
“Pwede magbakasyon PERO next year na kapag napagipunan na ito.”
Agreement means being selfless dahil hindi lang sarili natin ang iniisip natin kundi iniisip din natin ang kanilang opinyon at damdamin.
“Hindi mo siya kilala, talagang hindi maganda ideas niya”
That’s the problem, we need to trust each other and avoid judging.
Be neutral.
Talk about it.
List down options.
Then try natin pagkabitin ang parehong idea.
“Ang magandang pagsasama ay nakasalalay sa mabuting usapan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang hindi n’yo mapag-kasunduang mag-asawa?
- Transparent ka ba sa asawa mo?
- Willing ka ba makinig sa kanya?
================================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“How to Live a Meaningful Life”
Click here –> http://bit.ly/2h9oSYr <— Now!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.