Hindi makakarating ang eroplano sa kanyang destinasyon nang walang co-pilot.
Ganun din sa buhay.
Mas magaan ang biyahe kapag hindi ka nag-iisa.
Hindi naman talaga kailangang solohin ang lahat ng gusto mong maabot.
Dahil sa totoo lang, willing tumulong ang iba.
Kailangan lang mahanap natin sila.
I-screen kung maaari para hindi tayo mauwi sa kung sino-sino lang.
Kailangan natin ng:
ACCOUNTABILITY PARTNER
(Photo from this Link)
Someone who will check on you to make sure na hindi lumilihis sa plano. Better kung OC at makulit ang taong ito para mapilitan kang makinig. This person will remind you na may consequences ang paggawa o hindi mo pag-sunod sa dapat mong gawin.
Parang “konsensya” ang peg.
MENTOR or COACH
(Photo from this Link)
Someone you look up to.
Preferably an expert in his or her field.
Malaking bagay kung may simlilarity ang sitwasyon mo sa dinanas at napag-tagumpayan niya para you can learn from his or her journey, ganon din sa mga pagkakamali niya.
SUPPORT GROUP
(Photo from this Link)
Pwedeng barkada, like-minded individuals who want to see you succeed.
Willing sila makinig at makipag-kita sayo lalo na sa mga pagkakataong napanghihinaan ka ng loob.
Honestly, hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung wala akong suporta at tulong mula sa mga taong nabanggit ko sa inyo. By God’s grace nai-ugnay niya ako sa mga tamang mga kaibigan at ally.
“SUCCESS is more MEANINGFUL when you SHARE the spotlight with others.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Sino ang co-pilot mo?
- Sa mga goals mo, sino ang naiisip mong malaki ang maitutulong sa yo?
- Ano ang value na binibigay ng co-pilot mo sa buhay mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.