May mga tao na kung hindi pa sisingilin, hindi rin magbabayad.
Kailangan pang i-remind for the nth time
bago pa maglabas ng pera para may maipangbayad.
Minsan tayo pa yung nahihiya kung delayed sila makabayad.
Pero bakit ganun? Meron pa ring manhid
pagdating sa singilan?
Kadalasan sila pa yung nagagalit
kung paulit-ulit na sisingilin or i-reremind.
To think na in the first place,
sila ang nanghiram sa atin ng pera.
“Dumarating na nga sa point na ako na nagpautang, ako pa ang nahihiyang maningil, eh!”
Kaya’t para sa iba na nangutang
at walang kusang magbayad,
sana ay mapag-isipan n’yo ang mga ito…
ANG PERANG PINAPAUTANG AY PINAGPAPAGURAN DIN NG NAGPAPAUTANG SISINGILIN
(Photo from this Link)
Kung ang iba ay buwis-buhay makahanap lang ng mauutangan,
walang pinagkaiba ‘yan sa mga sumisingil ng utang.
Yung perang pinapautang nila, hindi ‘yan pinupulot.
Dugo’t pawis ang inilaan, ilang overtime ang lumipas,
ilang baso ng kape ang nainom just to stay awake at warm.
NAGHIHINTAY NA MABAYARAN NANG BUO AT MAY KUSA sisingilin
(Photo from this Link)
Lalo na kung friends o kamag-anak.
Kung ang iba sa atin ay pursigidong maningil
kahit na nakaririndi na o nakakainis,
may iba pa rin sa ating nagpapautang
na naghihintay na mabayaran ng kusa.
Bakit? Hindi namin gustong magpahiya ng kapwa.
Iniisip rin namin kahit papaano
ang reputasyon ng nangutang sa atin.
Kaya’t sana, huwag abusuhin ng iba.
HINDI UNLIMITED ANG AMING PERA sisingilin
(Photo from this Link)
ay wala nang balak magbayad, tayo rin ay naluluha at nasasaktan.
“May mga tao talagang kailangan pang singilin bago magbayad ng utang.
Sila yung mga taong walang kusa at walang pakiramdam.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nasubukan mo na rin bang magpautang sa tao na kung hindi sisingilin ay hindi rin magbabayad?
- Anu-anong mga paraan ang iyong ginagawa para lang sila’y makabayad?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P599 (Discounted rate)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“HOW TO RETIRE AT 50”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2KT60G4
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.