Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

Sino Ba ang Tunay na Kontrabida?

November 16, 2015 By Chinkee Tan

May mga kakilala ka bang mga kontrabida sa buhay? Wala na silang ibang ginawa kung hindi sirain yung araw mo–at sabihin sa iyo na hindi mo na kaya?

“Anyway, nahihirapan ka na, buti pa ay mag-quit ka na!”
“Bakit mo ba pinapagod ang iyong sarili, eh wala namang mangyayari.”
“Niloloko mo lang ang sarili mo!”

Kung ang tanong mo ay kung sino yun? Allow me to introduce you to…YOURSELF.

Alam mo ba na ang pinakaunang KONTRABIDA natin sa buhay ay hindi ang mga taong nakapaligid sa atin at hindi yung mga taong di naniniwala sa atin at lalo na hindi ang ating mga magulang at biyenan.

ANG PINAKAUNANG KONTRABIDA NATIN SA ATING BUHAY AY WALANG IBA KUNG HINDI ANG ATING SARILI.

Madalas na tayong walang tiwala sa sarili. We have the tendency to look down on ourselves. Minsan pa nga pinagsasabihan pa natin ang sarili natin ng mga masasamang words tulad ng…

“Ang tanga-tanga mo talaga.”
“Mabilis ka kasi lokohin.”
“Ang malas-malas ko talaga.”
“Wala na talagang mangyayari sa akin.”
“Hindi naman ako magtatagumpay.”

Gusto mo na ba itong mabago?
Gusto mo na bang magtagumpay sa iyong buhay?
Pagod na pagod ka na ba sa sitwasyon mo?

THINK POSITIVE
Huwag mong kumbinsihin ang iyong sarili na hindi ka magwawagi. Bakit hindi mo baguhin ang iyong attitude, mindset at pakikitungo sa iyong sarili.

So imbis na iniisip mo na ito ay mahirap, bakit hindi mo isipin na pwede mo itong gawan ng paraan. Imbis na iniisip mo na ito ay mabibigo, bakit hindi mo isipin na pwede itong magtagumpay. Imbis na iniisip mo na hindi mo alam, bakit hindi mo kumbinsihin ang iyong sarili na pwede mo pa itong pag-aralan.

TALK POSITIVE

Huwag mo rin siraan ang iyong sarili. Dapat kang matuto na i-build up and iyong sarili sa pamamagitan ng mga tamang pananalita.

Imbis na sabihin mo na, “Hindi mo na kaya.”
Sabihin mo na, “Kakayanin ko!”

Imbis na sabihin mo na, “Aayaw na ako.”
Sabihin mo na, “Tatapusin ko ito!”

Imbis na sabihin mo na, “Nakakatakot ito.”
Sabihin mo na, “Lalakasan ko ang loob ko!”

Speak life into the situation, not death.

BE POSITIVE
Huwag ka rin mabilis na panghinaan ng loob. Wala pang nagtatagumpay na hindi dumadaan sa kabiguan. Kaya kahit anong mangyari, maganda man o hindi. Makabenta ka man o hindi. Umoo man o hindi yung kliyente. Sumagot ng matamis na “oo” o isang mapait na hindi… dapat huwag kang susuko at aayaw.

Unawain at tanggapin na lahat ay dumadaan sa ganitong proseso.
Kahit may nag-nega na sa iyo, CHINK POSITIVE PA RIN.
Kahit wala na mga taong naniniwala sa iyo, CHINK POSITIVE PA RIN.
Kahit feeling mo na ikaw na lang tanging tao ang natitira, CHINK POSITIVE PA RIN.

Huwag na huwag mong pahintulutan na matalo ka ng sitwasyon at nang sarili mo, para sabihin sa iyo at kumbinsihin ka na itigil ang iyong ginagawa.

Maniwala ka. Darating ang araw na makakamit mo rin ang ninanais mo.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ang natutunan mo sa blog na ito?

Ano ang na-realize mo?

Sino ba ang tunay na kontrabida ba sa ating buhay?

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article inspire you? Check on these other related articles:

  • 5 CHOICES TO MAKE TO LIVE A POSITIVE LIFE
  • How Positivity Can Change Our Lives
  • NEVER TALK NEGATIVE, ALWAYS TALK POSITIVE
Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: attitude and mindset, bakit, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Keynote Speaker, mindset, Motivational Corporate Speaker, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, sa sarili, Think Positive, tiwala sa sarili

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.