Kilala mo ba kung sino ang mga tunay mong kaibigan?
Ang pinakamahirap na pwede mangyari sa mga taong may pera at matagumpay ay ang hindi talaga alam kung sino ang tunay nilang mga kaibigan at kakampi.
Maraming sasama sa’yo kung ikaw ay manlilibre.
Marami ang babati sa’yo kung ikaw ay sikat.
Marami ang lalapit sa’yo at hihingi ng pabor kung ikaw ay may kapangyarihan.
Ultimately, meron kasi silang pakinabang sa’yo.
Makikilala mo lang ang mga tunay mong kaibigan sa panahon na ikaw ay walang-wala at dapang-dapa. Gets mo ba?
Kaya kahit anong tagumpay ang pumasok sa iyong buhay, huwag mong iwanan at palitan yung mga taong tumulong sa iyo.
Yung mga taong na kasama mo noong ikaw ay nagsismula pa.
Yung mga taong may tunay na malasakit at nagsasabi ng totoo, kahit minsan ay masakit.
Subukan mo kapag wala ka ng pera, kapangyarihan at kasikatan.
Tignan natin kung sino pa ang mga taong aaligid sa’yo.
“Aanhin pa ang pera at tagumpay, kung hindi mo alam kung sino ang tunay mong kaibigan.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, meron ka bang tunay na kaibigan?
- Paano mo nasabi na sila ay tunay mong kaibigan?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.