Single Blog

Sink Or Swim?

MAS MAGANDANG LUMABAN KAYSA MAGPATALO SA MGA HAMON NG BUHAY

May tatlong bibeng naglalakad sa bakuran.
Masaya silang kumakain at nagkukwentuhan, hanggang sa may dumating na ahas.
Nataranta ang tatlong bibe.

Ang isang bibe na pilay, hindi na umalis sa kanyang kinalalagyan.
Inisip niyang since pilay naman siya, hindi na siya gagawa ng effort para tumakas. Tanggap na niyang mamamatay siya.

Ang matabang bibe, gumaya sa pilay na bibe.
Inisip niyang isa lang naman siyang hamak na bibe at wala naman siyang contribution sa mundong ito, so okay lang din na matuka at kainin siya ng ahas.

Ang payat na bibe, iba ang naging reaksyon. Nagquack-quack siya nang nagquack-quack with all of his might hanggang sa madinig sila ng kanilang amo.

At kasabay ng kanyang pagquack-quack, mabilis siyang naglakad papunta sa tubig at lumangoy. Inisip niya na sayang naman ang buhay niya kung tutuklawin lang siya ng ahas.

Tatlong bibe, tatlong magkakaibang reaksyon, pero iisa ang hinaharap na sitwasyon.

Whenever we encounter difficulties in life, we???ll either sink or swim. Kapag halos malunod na tayo sa dami ng problema natin, we have a choice. Papayag ba tayong malunod o tayo ba ay lalangoy?

One thing I???ve learned throughout the years is that having the right mindset is important in this life. How we see things is always a matter of perspective dahil hindi naman tayo pareho mag-isip.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka kung bakit may mga taong nagtatagumpay kahit matindi ang mga problemang pinagdaanan nila at may iba ring sawi at talunan.

For us to win in this life, we have to swim and confront hardships. We have to resolve it, rather than dissolve it. And for us to do that, we have to be guided by these principles:

WE ALL HAVE TROUBLES.

Walang exempted sa atin sa mga pagsubok ng buhay.
But we should find comforted in the thought that God will not give us a problem that we cannot bear and overcome.

WE HAVE A CHOICE.

Malaya tayong nakakapili. Wala tayong ibang pwedeng sisihin, kundi ang ating mga sarili dahil tayo ang may final say sa choices natin. We should only make sure that we are surrounded with people who make good choices or those who will swim with us and help keep us afloat.

WE HAVE A GOD.

The powerful God who created everything will grant us the grace and strength to overcome the troubles in this world. He will provide a way when there seems to be no way. He will give us the wisdom, desire, and energy to swim. We just need to ask for help and trust in Him.

THINK. REFLECT. APPLY.

What hardships are you facing right now?
Are you going to sink or swim?
Have you asked God for help?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link