I have so much respect to single parents. Marami rin kasi ako kilalang ganyan. Biruin mo, mahirap na maging magulang kahit na kasama mo ang asawa mo… what more pa kung nag-iisang magulang ka na lang ng anak mo?
Imagine, dual role ang kanilang ginagampanan? Nanay na, tatay pa!
Hindi biro ang kanilang pinagdaraanan. Kaya naman ang wish ko ay matuto silang pangalagaan ang sarili nila at ang kanilang finances, para masigurado na rin ang magandang future ng mga anak.
Kung ikaw ay isang single parent…
LEARN TO MANAGE YOUR FINANCES
Iwasang maging dependent sa ibang tao. Oo, mag-isa mo na lang itataguyod ang iyong pamilya. At oo, hindi rin namang masamang humingi ng tulong sa mga kamag-anak o mga kaibigan. Pero huwag hayaang masanay na umaasa sa tulong ng iba. Maaari kasi na ang susunod na tulong nila sa iyo ay may sumbat na.
Manage your money well enough to sustain you and your family’s needs. Mahirap, oo. Kasi usually kahati mo ang iyong asawa sa mga gastos. Pero mag-isa mo na lang itataguyod ngayon ang pamilya kaya kailangan ng matinding sakripisyo at disiplina sa part mo.
Don’t just rely on one income. Kung kayang mag-business, rumaket, go. Hindi lang naman sarili mo ang gagastusan mo, gagastusan mo rin ang pagpapalaki, pagpapa-aral, pang-future, at ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga anak mo. Kaya mabuting hindI lang sa isang source of income ka lang nakadepende.
AVOID OVERSPOILING YOUR CHILDREN
Syempre as a parent, gusto nating ibigay ang lahat sa ating mga anak. Pero lahat ng sobra, maaaring makasama. Kasama na ang sobra-sobrang pagbibigay sa mga anak, lalo na kung hindi naman kailangan at kung hindi naman afford.
Mahirap kasi kung masasanay ang anak mo na naibibigay mo sa kanya lahat ng gusto niya. Iisipin niyang okay lang. Iisipin niyang pwede niyang hingin sa ‘yo kahit ano. Hanggang sa dumating sa point na hindi mo na kaya i-provide sa kanya ang hihingin niya sa susunod.
Pero kapag sinanay mo siyang isipin na hindi lahat ng bagay, pwedeng maibigay sa kanya, matututo siyang maghintay at pagsikapang makuha ang mga bagay na gusto niya nang hindi nagde-depend sa iyo. Lalaki siyang may disiplina sa sarili at sa pera.
PROTECT YOURSELF
Kung doble kayod, doble sakripisyo, at doble disiplina ka para sa iyong mga anak, kailangan ay gawin mo rin iyon para sa sarili mo. Dahil hindi mo magagawa ang lahat ng kailangan kung hindi mo iingatan ang sarili mo.
Be healthy. Protect your health and wellness. Mahalagang kumuha ka rin ng life insurance para maprotektahan ang finances mo at ang future ng iyong pamilya.
Kung single parent ka, para kang dalawang superhero na pinagsama sa iisang tao. Imagine, si superman at wonderwoman in one person? Kaya kahit gaano kahirap ang pagpapalaki ng iyong mga anak, it will all be worth it. Tandaan na lahat ng sakripisyong ginagawa mo ay may katapat na pagpapala na matatanggap mo rin in the future.
Kapit lang!
“Kapag single parent ka, doble kayod ang kailangan. Doble rin ang pagod at stress. Pero doble rin ang mga halik, lambing, at pagmamahal na matatanggap mo sa iyong mga anak!”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Single parent ka ba? O may kakilala ka bang single parent?
- Paano mo maide-describe ang sarili mo o ang kakilala mong single parent?
- Ano ang mga paraan para mapalaki nang maayos ang anak kahit na single parent ka?
Watch my Youtube video:
For Single Parents: Avoid These Top 5 Money Mistakes
Click here: https://youtu.be/806JDTJfW7E
Ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan. Kaya while they are still young, we need to teach them how to be confident, follow their dreams, passion, and develop a sense of responsibility and discipline pagdating sa pera. Start them young! Start it now!
Enroll now sa RAISING MONEYWISE KIDS: Raising Entrepreneurial Kids in 10 Easy Steps for P799. Click here now: https://lddy.no/9z8l
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.