Marami ang nag-aabang ngayon sa 13th month o kaya sa bonus. Yung iba siguro nakatanggap na! Saya!
So ano na ang plano ngayon? Nakalaan na ba ito para sa mga pangregalo at panghanda natin sa Pasko at Bagong Taon?
Sana hindi lamang ito ang paglalaanan natin ng ating extra income. Kadalasan naghihintay lang ang marami para sa bonus, pero dapat matutunan din kung paano padamihin ito.
START YOUR BUDGETING PLAN
Mahalaga na matutunan natin kung paano magbudget ng ating pera. Hindi lamang sa kung saan natin ito gagamitin. Kailangan na rin ay isama natin ang ating mga ipon goals.
Maglaan ng pera para sa mga pangangailangan natin, depende ito, pwedeng 50% ng sweldo ay dito mapupunta. Then may 10% sa emergency fund, 10% sa retirement fund, 10% sa tithes, 10% personal development/investment and 10% for leisure.
Syempre depende ‘yan sa kung magkano rin ang kinikita natin kada buwan. Pero mahalaga na mapaglaanan natin ang mga ito.
PURSUE YOUR IPON GOALS
Simulan natin ang pag-iipon habang maaga pa. Kailangan natin maging habit ito para future natin. Tayo rin naman ang makikinabang nito.
Isa pa kung may ipon tayo at may mga nakalaan tayong pera lalo na for retirement and emergency, hindi lang tayo ang stress-free pati na rin ang ating pamilya.
Kaya huwag manghinayang kung may itinatabi tayong pera at hindi natin nabibili o napupuntahan sa ngayon ang mga gusto natin. Kasi mas mahalaga na maka-survive tayo sa future.
Huwag masyadong magpakasarap at hayaang maubos ang pera natin na walang naipupundar.
CONTINUE YOUR UTANG-FREE JOURNEY
Mahalaga ito na wala na tayong utang sa ibang tao at sa credit card natin. Iwasan natin ang magpapabaon lamang sa ‘tin sa utang.
Kung ngayon ay lubog sa utang, kailangan ay kasama sa pagbadyet ang pagbabayad ng utang. Mahalaga ito para sa peace of mind natin at ng ating pamilya.
Ayaw naman natin na ang ipapamana natin sa ating mga anak ay ang mga utang ‘di ba?
Kaya gawan natin ng paraan upang makawala dito at upang mapagpatuloy ang pagiging utang-free.
“Gamitin natin nang tama ang ating 13th month bonus,
dahil mahalagang hindi nawawala ang ating focus.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga nakalista sa iyong budget list?
- Paano ka mas makapag-iipon ngayon at mas mapalalago pa ang iyong ipon?
- Sinu-sino ang mga tao na dapat mong bayaran ng mga utang?
A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.
Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.
Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.