Ikaw ba ay nagpautang, pero hindi nabayaran?
Parang balewala lang sa kanila?
Kung ikaw ay maniningil, sila pa ang GALIT?
Sila na nga ang may utang, sila pa ang may ganang magalit.
Bakit kaya ganito ang ibang tao?
Minsan pa nga, binabaligtad pa nila ang sitwasyon.
Papalabasin nila na ikaw ang masama.
“Nakikita mo na ngang hirap na hirap ako, iniipit mo pa ako. Anong klase kang tao!?”
Naks, naman! Award-winning line ‘yan for a teleserye.
Papalabasin nila na mukha kang pera.
“Grabe ka! Pera na lang ng pera. ‘Yan na lang ba ang nasa isip at bukambibig mo? Mukha ka talagang pera.”
Papalabasin nila na hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob.
“Sobra ka naman kung maningil. Nakalimutan mo na ba? Tinulungan kita noong 1988. Kung hindi kita tinulungan, saan ka pupulutin ngayon?”
Wow, 1988! Ang tagal na ‘nun, ah!
Okay lang sana kung marunong silang magpakumbaba at makiusap.
Pero ang hindi ko ma-take, ‘yung ibabaliktad nila ang sitwasyon at palalabasin na ikaw ang masama, mukhang pera, at walang hiya.
Paano na kapag naka-encounter ka ng ganitong tao?
Nakakalungkot man sabihin sa iyo, but you can say goodbye to the money they owe you. Ipag-pray mo na lang na gumawa ng himala si Lord at makapagbayad sila.
Gusto mo ba itong maiwasan in the future?
Here are some practical tips para hindi na ito maulit:
PILIIN ANG TAONG PAUUTANGIN.
Minsan kasi, feeling natin, para tayong DSWD or PCSO. Ikaw na lang lagi ang takbuhan ng bayan.
Hindi lahat ng lalapit sa iyo ay dapat mong tulungan.
Kung ikaw ay masyadong maawain, maniwala ka, mauubusan ka.
Tulungan natin ang mga taong karapat-dapat tulungan at may isang salita. Iwasan natin ang mga taong hindi marunong magbayad.
ILAGAY ANG LAHAT SA KASULATAN.
Minsan, sa dami ng ginagawa mo at sa dami ng utang ng iba, ito ay nakakalimutan na. Kaya, napakahalaga na ilagay ang lahat sa kasulatan. Kung hindi, malilimutan lang ito.
TUMULONG KA NA LANG.
Ito ay para hindi ka rin magkaproblema sa paniningil.
Mas mabuti kung ikaw ay tumulong na lang.
Pero tanungin mo muna ang sarili mo:
“Magkano ba ang kaya kong itulong – kahit hindi na ito maibalik, hindi masisira ang budget ko?”
Sana sa maikling blog na ito, naliwanagan ka at nakatulong ito sa iyo kung paano mo maiiwasan ang mga taong hindi marunong magbayad ng kanilang mga utang.
THINK. REFLECT. APPLY.
Relate na relate ka ba sa blog na ito?
Ano sa palagay mo ang weakness mo?
Kung nakatulong sa iyo ang blog na ito, paki-like at share ito sa timeline mo para makinabangan rin ng iba.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.