Single Blog

Si Lord Ba Ang Iyong First Option or Last Option

Si Lord Ay Hindi Isang Fire Extinguisher Na Tatawagin Mo Lang In Times Of Emergency

“Lord, pagalingin mo lang ako dito sa malubhang karamdaman ko, maglilingkod ako sa’yo.”

“Lord nagawa ko na ang lahat. Ikaw nalang ang last resort ko. Please help me!”
“Lord, tulungan mo naman ako! Promise pag tinulugan mo ako, magpapakabait na ako!”

Have you ever bargained with God? Naranasan o nasubukan mo na bang makipag-tawaran sa Kanya?

Aminin natin na madalas natin naaalala ang Diyos kapag nasa “dead end” na tayo. Yung tipong “no choice” na tayo, tsaka lang natin nai-isipang lumapit sa Kanya.

Madalas ang tingin natin kay Lord ay parang isang fire extinguisher.
Tinatawagan lang natin Siya in times of emergency.
Kapag may matinding pangangailangan tayo, tsaka lang tayo maglalambing sa Kanya.

Pero kapag happy-happy ang buhay, maginhawa, walang pagsubok o problema ay “who u?” lang ang peg. Dinededma natin ang Diyos, binabalewala at nakakalimutan.

Bakit nga ba nagiging LAST OPTION natin si Lord, imbis na maging FIRST OPTION?

Why should we make Him our FIRST OPTION?

HE IS AN ALL-KNOWING GOD
Wala Siyang hindi alam. Anuman ang sitwasyon mo, pinagdadaanan mo, struggles mo, at ang lahat lahat sa???yo ay alam Niya. Wala kang maitatago. He knows you from head to toe. Sabi pa nga Niya, kahit bago pa tayo nabuo sa sinapupunan ng ating ina ay kilala na Niya tayo. Kaya kung meron higit na nakakaalam kung paano ka tutulungan , Siya yun.

HE IS A POWERFUL GOD
Wala Siyang hindi kayang gawin. Ang imposible sa tao, posible sa Diyos. Imagine, yung gumawa ng langit at lupa at lahat ng nakikita mo ngayon, Siya ang gumawa. At Siya ang tutulong sa iyo, if you’ll let Him.

HE IS OUR COMFORTER
God is our help in times of need. Hindi niya tayo iiwanan at pababayaan. Sa mga mangyayari sa atin na mga challenges, problems and troubles, He will always be with us to give us comfort and peace sa ating heart and mind. Kung ang tao ay iiwanan tayo kapag lubog na tayo sa problema, ang Diyos ay hindi. Siya rin ang ating sandigan sa atin sa lahat ng bagay sa buhay.

Grabe, ang dami talagang benefits kung siya ang ating FIRST OPTION.

Now, the question is, how can we make Him our FIRST OPTION? Kung handa ka na, ito ang mga dapat mong gawin…

MAKE HIM YOUR LORD AND SAVIOR
It???s not enough that you know Him in your head, you should also know Him in your heart. I am not promoting any religion, what I’m promoting is for you to have a personal relationship with Him. Make Him your Father, best friend, your leader, your everything. Hayaan mo na Siya ang manguna at masunod sa buhay mo because He has great plans for you, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. He died on the cross for you and me, because He loves us so much and He can save us from whatever situation we may be in.

GROW IN YOUR RELATIONSHIP WITH HIM
After making Him your personal Lord and Savior, spend time getting to know Him by talking to Him (praying) and listening to Him (reading your Bible). As you grow in your relationship with Him, you’ll discover His promises for you. Mga pangakong siguradong tutuparin Niya.

Making Him your top priority and first option will be the best decision you could ever make. You’ll never go wrong at siguradong hindi mo pagsisisihan. Let me end with this verse:

“Seek the Kingdom of God above all else, and live righteously, and he will give you everything you need.” –Matthew 6:33

We should make GOD our first and top priority. Why? Because He deserves it. Bukod pa dun, we can be sure that we are safe and secure in His hands. Hindi masasayang ang tiwala at ang buhay natin kung sa Kanya natin ito ipagkakatiwala.

THINK. REFLECT. APPLY

Anong pinagdadaanan mo ngayon?
Is GOD your first option or your last?
Handa ka na bang ipagkatiwala sa Kanya ang lahat?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link