“Sale, Buy 1, Take 1 Promo, 50% Off On All Items, Limited Offer”
Bumibilis ba ang puso mo sa excitement kapag nakakakita ka ng mga ganito?
Laman ka ba lagi ng mga shopping centers?
Feeling mo ba na lagi kang mauubusan ng items kaya grab lang ng grab?
Sino ba ang hindi makatanggi? Lumalapit na nga sa iyo ang grasya, pakipot ka pa.
Ang shopping ay isang bisyo para sa nakakarami. Pwede nga natin itong tawaging ‘BISYO-pping’, nakakaadik at ginagawa natin ng paulit-ulit kahit wala nang pera at lubog na sa utang.
Wala namang masama sa pamimili, lalo na kung liquid ka at hindi mo siya uutangin.
But sad to say, dito na napupunta ang halos lahat ng kinikita at pinagpapaguran. Kaya ilang araw pa lang, awanti-kwarta na.
Bakit nga ba nauubos ang pera natin sa shopping?
WINDOW SHOPPING
“Titingin lang ako, promise.”
“Sisilipin ko lang kung may bago.”
“Iikot lang naman ako, habang nagpapalamig.”
We keep on saying these things sa tuwing nagbabalak tayong pumunta ng malls, pero we always end up na may bitbit na supot ng mga pinamili. Tama?
It’s because we have our weak spots tulad ng grocery, shoes, bags, or electronic sections – na kung saan hindi natin maiiwasang matalo tayo ng temptation as we stroll along every aisle.
Breaking this habits requires strict discipline. Ask yourself first:
“May extra money ba ako para dito?”
“Kaya ko ba itong bayaran kaagad ng hindi nangungutang o ginagalaw ang ipon?”
Kung wala, WALK AWAY. Or better yet, avoid going to malls or bazaars dahil once na gumastos tayo para sa hindi naman natin kayang bayaran, dito na nagsisimula ang utang.
DALA ANG BUONG WALLET AT CREDIT CARDS
Here’s the thing, ano ba ang meron sa wallet natin? Kadalasan, naroon ang allowance natin for the week or o ang buong sweldo – pati na rin ang credit card.
“Uy, dami ko pa palang pera. Pwede pa ako bumili.”
“Yes, dala ko ang credit card ko!”
The thought itself can make us lose a lot of money dahil ang akala nating extra money, eh ‘yun na pala dapat ang panggastos natin to survive and sustain our daily needs. So ang ending, uutang na lang muna o gagalawin ang savings dahil naubos na.
We should only bring enough when we go out nang sa gayon, tayo ang mag-a-adjust sa kung ano lang ang meron tayo at the moment. LEARN TO BUDGET.
SHOPPING WITH EMOTIONS
Bad trip sa office, mamimili para makalimot.
It was a happy and productive day, mamimili as reward sa sarili.
Nade-depress sa buhay, mamimili para kumalma.
Ito ‘yung mga tinatawag nating shopping with emotions.
Naku! Sa dami ng nagaganap sa buhay natin araw-araw, ibig ba nitong sabihin na may tendency din tayong mamili araw-araw kapag hinayaan nating kontrolin tayo ng emosyon? And this, mga kapatid, is the quickest way to get broke.
Pwede naman tayong mag-relax o maglabas ng sama ng loob without spending tulad ng reading a book, taking long baths, or maglakad-lakad sa park.
ENVY
“Bakit meron siya noon? Makabili nga din.”
“Yabang naman niya. Kahit sampu, kaya kong bumili niyan.”
Envy can lead to competition and competition can lead to more and more shopping and debts. Ayaw kasi nating natatalbugan tayo ng ibang tao. So the moment that we see others purchase something new, gusto nating meron din tayo noon.
Kahit wala tayong pera o can’t afford, ‘di bale nang mangutang, basta makagawa lang ng paraan na maipakita sa iba na “kaya ko rin bumili niyan”.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong dahilan ng iyong excessive shopping?
Ito bang mga pinamimili mo ay kaya mong bayaran o ‘bahala na’ kung paano babayaran?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Check on these other related posts:
- GRAB AND UBER, PULUBI LATER
- SOBRANG MATULUNGIN NOW, PULUBI LATER
- PARTY NOW, PULUBI LATER
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.