Minsan mo na bang nasabi yung…
“Yes! Malaki-laki na ang ipon ko sa wakas!”
Habang nasa kasagsagan ng determinadong pag-iipon,
may kaibigan na magyayayang mag-kape sa Starbucks,
mag-lunch sa Yakimix, magmeryenda sa Burger King.
Tapos kung tatanungin kung bakit…
“Nag-ke-crave kasi ako, eh…” ang kanilang sagot.
Timing-an pa nang naghihingalo nating allowance.
Na kung tutuusin, pwede namang kumain
sa carinderia na mura at nakabubusog din naman.
Kung maiipit sa ganitong sitwasyon,
ano kaya ang maaaring solusyon?
- Sumama at mangutang pansamantala
- Mag-oo at magpalibre na lang
- Tumanggi (kahit labag sa kalooban) at i-reason out ang pag-iipon
Kung ako ang papipiliin ng kasagutan…
PWEDENG SUMAMA NGUNIT HINDI MANGUNGUTANG self-control
(Photo from this Link)
In a typical Filipino tradition kapag fiesta,
marami sa atin ang nangungutang para lang makapag-handa.
Wala ring pinagkaiba ito sa biglaang utang
para lang ma-satisfy ang cravings.
“Sige na nga, pahiramin mo muna ako”
“May extra ka ba diyan, sama na ako”
Kung masimulan sa paunti-unting pangungutang,
nagiging cycle na lang para lang mapagbigyan ang craving
na pwede namang hindian.
PWEDE MAG ‘YES’ PERO HINDI MAGPAPALIBRE self-control
(Photo from this Link)
Kahihiyan na lang natin ang lakas-loob na magpalibre
lalo kung tayo mismo ang nag-volunteer.
Naku! Hindi naman sila humingi ng baon
o kaya’y nag-overtime para sa dagdag sweldo
para lang mapakain tayo.
Magkaroon ng konting hiya.
Kung maililibre, magpasalamat.
Kung hindi naman, huwag sumama ang loob.
PIPILIING MAG-IPON NG PERA KAYSA GASTOS self-control
(Photo from this Link)
There’s nothing fulfilling than saying to yourself,
“Sa wakas! Nagawa ko rin!” lalo na sa pag-iipon.
Hindi ko naman sinasabing masama mag-give-in sa cravings.
Ang hindi lang nakabubuti ay ang pag-gastos nang walang humpay
para lang masatisfy ang ating dila
kahit wala nang mapaglagyan sa ating tiyan.
“Kadalasan, kaya wala tayong naitatabing savings
kasi lagi nating pinagbibigyan ang ating mga cravings… Self-control lang bes!”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Wala ka bang preno sa pag-satisfy ng iyong cravings?
- Madalas ba dito nauubos ang allowance mo?
- O mas mag-iipon ka na ngayon?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“TAMANG EDAD NG PAG-IIPON”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HeyBIe
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.