Maraming pagsubok ang maaaring pagdaanan
pero tandaan natin na marami ring paraan ang
maaaring gawin to save our marriage.
Hindi lang tayo titingin sa mga problema natin,
ang mahalaga rin ay may kusa tayong maghanap
ng solusyon para maayos ang ating pagsasama.
So in this blog, I will share some tips that will help
you to find solutions. Let’s bring back the moment
that you both said “I do” with one another.
First thing is to..
ANALYZE YOURSELF
Give yourself time. Ito ang pagkakataon kung
saan pwede nating tingnan kung anu-ano ang mga
nagawa natin. Let’s see if these are good or not.
Then from there, titingnan din natin kung ano ang
dapat nating alisin at kailangan natin i-remain.
Kung may kailangan palitan at alisin, gawin natin.
We need this “time” para makapag-isip-isip din.
It is better to have a Time Out. Yes. Time out muna
para makapag-isip.
Mas marami tayong masasakit na salitang maaaring
masabi kung tayo ay nagtatalo. Lalo na kung paulit-
ulit. Kaya kailangan nating magpalamig muna.
Look at the bottom of the real issue para maiwasan
ito nang paulit-ulit at mas makapag-focus tayo sa
mas magandang bagay para sa pagsasama natin.
Another thing that we need to deal with is to..
RESOLVE MONEY MADNESS.
Sad to say pero maraming nag-aaway dahil sa money
issues ng mag-asawa. So it is very important that you
make a money system. A system that you both agree.
Maaaring may joint account kayo at maintain pa rin
ang separate accounts n’yo. Or pwede rin naman na
all the way, may joint account kayo. It depends.
Basta mahalaga ay mapagkasunduan ninyo ito. Dapat
ay mag-stick kayo sa system na ito. Pwedeng isa lang
ang taga-manage ng pera pero alam ninyo pareho.
Meaning alam n’yo pareho kung saan napupunta ang
pera n’yo or pwede rin naman na pareho kayong nagde-
desisyon kung paano n’yo i-manage ang pera n’yo.
Basta ang bottom line, aware kayo pareho kung nasaan
na ang mga ipon ninyo at kung ano ang mga plans ninyo
para makaiwas sa ‘di pagkakaunawaan at pagtatalo.
And last but not the least is to..
GIVE UP THE GRUDGE
You have to learn how to release negative energy and
let go of bad things. Kung may maling nagawa ang
asawa ninyo, dapat alam n’yo ang hangganan.
Dapat alam n’yo kapag too much at kung kailan ito.
List down all the mistakes and try to let go. Huwag
mabuhay nang puno ng paghihiganti at sama ng loob.
Having grudges will not make you feel better and
you will also feel bad for everything. Letting go of
negative energy will help you feel renewed as well.
So sa mga pinagtalunan n’yo, pag-usapan ito at
ayusin. Then huwag nang ulitin ang mga pagkakamali
at huwag nang ungkatin pa ang mga ito.
Let those bad memories be gone for good. Create
new and better memories and continue life together with
each other. You can make things happen if you want.
“Ang lahat ng kaguluhan ay maaring matapos
kung may mga pusong tapat at gusto itong maayos.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang pinakamatinding pinagtalunan ninyo?
- Paano ninyo ito inayos?
- Paano ninyo hina-handle ang inyong perang mag-asawa?
————————————————————————————–
**HAPPY WIFE HAPPY LIFE ONLINE COURSE FOR ONLY P799**
Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!” Click here:https://lddy.no/8vdb
-FREE bonus videos!
-Watch it anytime, anywhere!
-Watch it over and over again—ONE YEAR access!
**For a limited time only, you can access ALL 10 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.