Mahal mo ba ang sarili mo?
Yung sarili natin na ipinagkaloob ng Panginoon?
“Hmm, oo naman.”
“Yes I love myself and my life.”
Good to know that.
Pero kung titignan nating mabuti,
talaga nga bang mahal natin
ang ating mga sarili?
Marami na ang lumapit sa akin
at humihingi ng tulong sa sobrang
pagod na sa trabaho,
wala ng oras para alagaan ang sarili.
Haggardo versoza nga ang tawag nila
kasi laging naghahabol ng oras at panahon.
Maaga gumigising, late na kung umuwi.
Wala ng oras magsuklay, magbihis ng maayos,
kumain ng masusustansyang pagkain,
magsipilyo, o tumingin man lang sa salamin.
I am sure halos lahat tayo naranasan na ito.
Feeling kasi natin wala tayong choice kasi
pag pumetiks pa tayo, eh baka
lalo tayong matambakan ng gagawin,
o baka makawala yung opportunity.
Pero KaChink, 1 Corinthians 6:19 says:
“Do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit who is in you, whom you have received from God?”
Ipinagkatiwala sa atin ito para alagaan at
pakaingatan at hindi para abusuhin
at gawing second priority lang.
Kaya ladies and gentlemen, please…
DON’T FORGET PROPER HYGIENE sarili
(Photo from this Link)
Basic na basic na lang ito.
Hindi ba’t maganda yung makikita
natin ang ating sarili na maayos,
presentable, na para bang pinaghandaan
ang araw na ito?
MAG…
- Suklay ng buhok.
- Sipilyo ng ngipin.
- Hilamos ng mukha.
- Magbihis ng maayos.
- Maglagay ng deodorant kung kailangan.
- Plantsahin ang isusuot.
- Girls, simple powder or make up.
- Gentlemen, mag-ahit, at magpagupit.
Besides, madami tayong nakakaharap na tao everyday,
It is not proper na we don’t give importance
because for sure, lalayuan nila tayo.
What if the person is an important client?
Paano kung may presentation ka
sa klase o sa board members?
We are not doing it only for them,
but also for ourselves.
This is one way to show that we love ourselves.
INGATAN ANG SARILI
(Photo from this Link)
This is specifically for the ladies.
I have 3 in my life, 2 daughters, Kayla, Destiny,
and my lovely wife, Nove.
And as a father and husband I will do
EVERYTHING to protect them,
Kulang na lang akapin ko sila 24/7
para maiwas sila sa kahit anong kapahamakan.
Kung tayo ay pinoprotektahan ng ating
husbands, boyfriends, or fathers,
dapat, we have the same concern
to protect ourselves.
- Umuwi ng maaga at hindi umaga.
- Magsuot ng proper clothes.
- Huwag naglalasing lalo na sa public.
- Avoid talking to people you don’t know
We men are strict with the ladies in
our lives for some reason.
Because you see, masyado ng madaming
temptation sa paligid na hindi natin maiiwasan.
Nandyan ang catcalling or pambabastos ng iba.
The world is not safe anymore.
We are exposed to a lot of things that might harm us.
Kaya let us do what we can to
protect ourselves too and be conscious
of our actions and our surroundings.
IWASANG MAGPAKAPUYAT SA TRABAHO sarili
(Photo from this Link)
Andun na ako, gusto natin kumita,
matapos ang trabaho, at gawin ang lahat
para sa pamilya.
Ako din guilty diyan.
Because we believe that we will do everything
for our loved ones kahit na mahirapan pa.
Pero ang trabaho, hindi naman mauubos
‘yan kahit 24/7 natin itong tutukan,
mauubos man pero may papalit na bago—
It’s just a cycle.
Ang trabaho, hindi nito sasaluhin
kapag tayo ay nagkasakit at naospital.
Dali-dali, as soon as we file a leave,
ang bilis lang natin mapalitan.
Hindi dapat nito kinakain
ang oras ng ating pahinga.
Kapag rest time, rest time.
Wala dapat argumento dito.
Ito na lang yung oras natin
for ourselves after a busy day.
Let us use it well para kinabukasan,
recharged na tayo at ready sumabak.
Be productive during the day
para hindi tayo naghahabol sa gabi.
“Ang ating mga sarili ay biyaya ng Panginoon kaya mahalin natin ito
at huwag pabayaan para hindi magkasakit at mapahamak.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- How much do you love yourself?
- Inaalagaan mo ba ito ng mabuti?
- Paano mo maipapakita ang kahalagahan nito?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“TOP 5 MONEY BELIEFS THAT MAKE PEOPLE POOR”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Lc1TtW
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 11 Books FREE + 1 Ipon Can
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2DB80TO
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.