Bilang magulang, we always want the best for our kids.
We want to provide them all their needs. Yung mga hirap
na pinagdaanan natin, ayaw nating maranasan nila.
Pero pwede nga ba na hindi nila pagdaanan ang hirap
sa buhay? Yun ba talaga ang role natin bilang parents,
yung mapadali ang buhay ng ating mga anak?
Of course we want them to have a comfortable life pero
we also have to prepare them to face challenges ahead.
We have to guide them to make good choices.
That is why we have to
TEACH THEM TO LOVE THEIR FAMILY
At the end of the day, we are family. Maaaring hindi
maiiwasan ang pagtatalo at hindi pagkakaunawaan
minsan, ngunit mahalagang maayos ito nang buong-buo.
Mahirap kasing tanggapin minsan na sarili nating
pamilya ang mismong hindi natin malapitan. Mahirap
na hindi natin maipagtapat at nahuhusgahan agad tayo.
So I think, as parents, isa ito sa kailangan nating
ingatan at iparamdam sa mga anak natin. Kailangan
emotionally secured para open at strong sila.
Kailangan maipadama natin na pantay-pantay ang
tingin natin sa kanila.
Kailangan din tayong mga magulang ang magpanitili
ng kaayusan sa mga magkakapatid dahil darating ang
araw na sila-sila rin ang magtutulungan sa buhay.
So it is also important that we
TEACH THEM TO KEEP GOOD FRIENDSHIP
Maraming tao ang papaligid at gagalaw sa mundo nila.
We can’t always be there to tell them what to say and
what to do, what we can do is to teach them to choose.
Yes. We should help them to make good decisions
and create right judgment towards life. Kasi yun ang
dapat. Kailangan nila matutunan kung paano mamili.
They also have to know the right and appropriate
decisions in life. Hindi man perpekto pero yung
makabubuti para sa kanila at para sa ibang tao.
There are certain phases in their lives that we shoul
allow them to at least try to make right choices. We
should also let them learn how to trust themselves.
In order for them to have a good friendship, they also
have to be a good person. A person that is also worthy
of good friendship, real company and stable relationship.
And in time of doubt, we also have to
TEACH THEM TO TRUST AND HONOR GOD
Everything in this world, all the good and the bad, all
are connected. So as parents, we also have to teach
them to trust and honor Him no matter what happens.
Challenges may come, kailangan kayanin ng ating
mga anak na matutong magpatawad, tumanggap ng
pagkatalo at hindi magpadala sa tukso sa paligid.
We have to be the role models to them. Kung tayo
mismo ay nagpapadala sa mga tukso sa buhay, paano
natin mababago ang pananaw ng ating mga anak?
Sa paraan ng ating pamumuhay, kailangan na makita at
maramdaman ang presence and importance ni God in our family.
Hindi natin susukuan ang ating mga anak, ang ating
pamilya at lalung-lalo na ang Panginoon. Kailangan
buo ang ating loob sa pananampalataya sa Kanya.
“Ang mahalagang pamana natin sa kanila ay ang mga aral
na tutulong sa kanila upang maging isang taong may moral.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-anong aral ang naibahagi mo sa iyong anak?
- Paano mo pinaparamdam ang pagmamahal mo sa bawat isa?
- Gaano katibay ang iyong pananampalataya upang makaiwas sa mga tukso sa paligid?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.