Kung ang istorya ng buhay mo ay magwawakas bukas, ano ang mga bagay na pinagsisisihan mong hindi mo nagawa?
Siguro, konti man o maraming bagay ang masasagot mo sa tanong na ito, siguradong meron kang sagot. Imposibleng wala.
Imposibleng wala tayong pinagsisihan sa buhay. Dahil maraming bagay na hinihiling nating sana nagawa, nasabi, at nakuha natin.
PURO TAYO SANA
Sana makuha natin ang mga gusto natin na mahirap makuha. Wish lang natin magkaroon ng magic na mapasaatin na instantly lahat ng hinihiling natin.
Puro tayo hiling pero hindi pa rin natin makuha-kuha. Maraming sana pero kulang sa gawa. We keep on wishing things instead of working on things to turn into reality.
HINDI PURO #SANAALL ANG LIFE
Ang istorya ng buhay natin ay hindi base sa kung gaano karami ang gusto nating mangyari. Ito ay nakabase sa dami ng opportunities na kinuha at pinaranas natin sa ating mga sarili.
Kung magwawakas na ang istorya ng buhay mo bukas, ang mga bagay na pagsisisihan mo ay ang mga bagay na pinagkait mo sa sarili mo, ang mga taong binalewala mo, ang mga salitang ikinulong mo sa sarili mo, at ang mga lugar na hindi natapakan ng mga paa mo.
SANA MAWALA NA ANG MGA SANA SA BUHAY MO
Sana hindi natin pagsisihan ang hindi natin pagpayag sa ating mga sarili na mabuhay nang naaayon sa ating ipinangarap.
Sana hindi natin pagsisihan ang mga oportunidad na pinalalagpas natin.
Sana mamuhay na tayo nang hindi puro #SanaAll.
Kaya nawa’y sa paggising natin bukas ay magsimula muli tayong mangarap at gumawa ng hakbang para maabot ang pangarap. Do it now instead of doing it later.
We are our own life motivator and influencer. Nasa sa ating mga kamay kung tayo ay magtatagumpay o mabibigo. Nasa ating mga kamay din kung tayo ay babangon at magpapatuloy sa laban ng buhay o susuko na lamang.
Sana ma-realize natin ito.
“Our time is very limited. Kailangan nating i-maximize ang ating kakayahan para maabot ang mga pangarap at hindi mauwi sa puro sana na lang.”
– Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong mga bagay ang pinagsisisihan mo sa buhay?
- Anong paraan ang magagawa mo para mabawasan ang mga bagay na pinagsisisihan mo?
- Paano mo mapalalago ang buhay at finances mo nang walang pagsisisi?
—————————————————
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @chinkeetan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.