Kamakailan lang ay nagcelebrate tayo ng “World Gratitude Day“.
Maaring napasalamatan na natin yung mga taong gumawa sa atin ng mabuti, pero paano naman yung mga kinainisan natin at some point?
“Nakakainis nga di ba, bakit ko pasasalamatan?
Oops, teka lang. Do you know that there’s something to thank them for too?
May nag-bulong lang sa akin.
Kadalasan, ang mga taong naging mabuti lang sa atin ang pinapasalamatan natin.
Aba, dapat FAIR tayo.
Dapat mag-pasalamat din tayo sa mga nagpahirap ng buhay natin.
Nandiyan ang..
FRIEND NA NEVER NAGPAUTANG, THANK YOU!
(Photo from this Link)
Kasi natuto tayong maging RESOURCEFUL.
Kung noon ay lagi tayo naka-asa sa kanila, ngayon, natuto tayo maghanap ng pagkakakitaan or additional job to get us by.
Kung hindi dahil sa pag sa pag tanggi nila, hindi tayo magsisikap.
BET NATING TEAM NA LAGING NATATALO, THANK YOU!
(Photo from this Link)
Kasi they taught us the importance of LOYALTY.
O diba, kahit laging talo, kahit na tambak, we always, and I mean ALWAYS cheer for them.
And we need this lesson in our lives.
That no matter how disappointed we are, balewala lang sa atin ito because there is hope that something great will happen eventually.
Walang sukuan.
‘EX’ NA NANLOKO, THANK YOU!
(Photo from this Link)
Kasi natuto tayong MANIWALA na merong ibang nakalaan sa atin.
Yes masakit.
Trauma at walang katapusang paranoia at insecurity ang napala natin sa pag-ka buking kay EX..
Maraming Salamat pa rin.
Simula kasi naglaho siya, na-realize nating:
WE DESERVE BETTER.
WE CAN DO SO MUCH BETTER.
Nabulag, nabingi at nabola man dati…
Aba, besh, matatag na tayo ngayon!
BOSS NA MAHILIG MAGTAMBAK NG TRABAHO, THANK YOU!
(Photo from this Link)
Kasi nalaman natin na WALANG IMPOSIBLE.
There are times that we get so overwhelmed with work.
Sa dami, minsan wala na tayong oras na huminga man lang.
But at the end of the day?
WE MADE IT!
Yung akala nating hindi natin kaya, kaya pala!
All we need is time management at tiwala sa sarili.
“Pasalamatan din natin ang mga nakasakait sa atin”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino sa mga nakasakit sa’yo ang gustong mong pasalamatan?
- What are you grateful for?
- How did it change your life?
===============================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“Why it’s Okay to Start Over Again”
Click here—> http://bit.ly/2xpumom NOW!
===============================================
NEW BOOK ALERT:
“Diary of Pulubi”
Buy 1 Take 1 for a limited time only!
P150.00 (+50 Metro Manila; +100 Provincial)
Click here to order online —> http://bit.ly/2yApHxA
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.