Kayo ba yung tipo na tapat na tagapagsubaybay
ng mga 1 month to pay items?
From cologne to face powder, bags to shoes,
jeans to shirts, jewelries at marami pang iba.
“Matagal-tagal pa naman bago ang bayaran…”
“May isang buwan pa ako para makapag-ipon…”
Buti na lang talaga at may mga ganitong direct selling na pautang.
Paano na lang kaya kung wala?
Eh ‘di pahirapan din ang pagbili
ng mga kailangan at luho natin, hindi ba?
Pero alam n’yo rin ba na dahil sa ganitong kaisipan,
mas malaki ang chance na mapalaki ang ating gastos?
Mapa-direct selling man, pangungutang, atbp.
“Paano naman mangyayari ‘yan, Chinkee?”
WE MIGHT OVERLOOK OUR CAPACITY TO PAY SAHOD
(Photo from this Link)
Ever experienced that scenario in life
na masyado tayong nagtiwala sa “1 month to pay”?
Kaya tayo naman na nagbuhos ng tiwala
na sa loob ng isang buwan
ay makakaipon ng pambayad,
ended up ordering items beyond our usual range.
Tapos ano? Magpapakapagod tayo nang husto.
Para saan? Para mabayaran ang lahat ng utang
at iba pang mga pinagkakautangan.
Later we notice, naging cycle na.
To the point na maski ang sarili natin
ay hindi na ito makita. So what do we do?
MAGING ADVANCE MAG-ISIP sahod
(Photo from this Link)
Kung dati ay mas advance pa mag-isip ang ating sweldo…
Yung tipong bago pa lang mai-withdraw ang sahod,
ubos na dahil sa bills na binayaran (e.g. loans, credit card, bills at home).
Dahil sa mga bayaring ito,
halos wala nang matira.
To the point na pati ang daily allowance
ay inuutang na rin.
Dapat ay maglaan ng fixed amount sa ganitong gastusin.
Simple lang, kung hindi swak sa budget, ‘wag bilhin.
Huwag natin piliting i-afford kung ang presyo ay lagpas na
sa pangkasalukuyang limitasyon ng ating kaperahan.
I-ACCOUNT ANG SWELDO, SAVINGS AT SOON-TO-BE EXPENSES
(Photo from this Link)
In this way, we can track and evaluate
what kind of spender we are,
and how exactly do we spend.
Ito ay para maiwasan natin
ang madalas na pagkaka-drain ng ating ATM.
If we do this, we can discipline ourselves
over saving and spending.
Then we can plan ahead how do go about our budgeting,
para madali na lang para sa atin
at maiwasan ang pagkakabaon sa utang.
“Masyadong advance mag-isip yung sahod ko.
‘Di ko pa nga nakukuha sa ATM, ubos agad pagkabayad sa mga bayarin ko.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ang sweldo mo rin ba ay advance mag-isip?
- Nauubos ba ito sa kababayad ng mga inutang?
- When will you start disciplining yourself to stick to the budget?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.