Naalala n’yo ba nung bata tayo
wala tayong kaproble-problema sa pera?
Piso lang makabibili na ng chichirya?
Limang piso lang may nakabubusog na meryenda na?
Nung high school, sobra sobra na ang P50.00
at pag tapak naman ng kolehiyo,
yung P100 buhay na tayo buong araw.
Nandun na ang lunch, snack,
at maski dinner nga naisisingit pa.
Eh bakit ngayong may trabaho na tayo,
kumikita na tayo ng libo-libo,
pero bakit hindi nagkakasya?
tapos minsan, kailangan pa natin mangutang?
As time goes by
tumataas ang bilihin at mahirap ito pigilan.
Lahat tumataas:
Bigas, isda, karne,
gasolina, at gulay!
(Ako na lang yata ang hindi tumataas)
Hahaha.
In times like this,
papayag na lang ba tayong maipit
sa utang at mahirapan?
Of course not.
We need to do something about it.
We need to KEEP UP.
Kung ang pagtaas ng bilihin ay agresibo,
dapat tayo din ay maging agresibo para hindi mapag-iwanan.
Kaya here are some PETMALUNG DISKARTE
kung ang sahod ay kulang:
HUMANAP NG EXTRA INCOME sahod
(Photo from this Link)
Kung hindi kasya ang kinikita,
hanap tayo ng pagkakakitaang extra.
Kahit pagbali-baliktarin hindi talaga kasi ito magkakasya.
Kaya dapat maging open-minded na
mag double job o yung tinatawag nating sideline
na hindi naman makaka-apekto sa current work natin.
You may do it after work or online.
Buy and sell or sell your ‘talent’,
kahit ano na tingin nating pwede tayo kumita.
ALISIN ANG MGA LUHO sahod
(Photo from this Link)
Alisin na muna natin yung
mga hindi naman kailangan pero pinagkakagastusan.
Kape-kape, milk tea, travel
o kaya bili-bili ng branded na damit.
Sa liit ng sweldo tapos dadagdagan pa
ng mga pagkakagastusan na pwede namang wala,
eh talagang hindi magkakasya.
IWASAN NA MABAON SA UTANG sahod
(Photo from this Link)
You know what, hindi solusyon
ang pangungutang para makabayad ng utang.
Kasi may utang na nga, uutang pa na may interest,
paikot -ikot lang ang nangyayari.
“Kung hindi solusyon ang utang, eh ano?”
Magbawas ng gastos.
Change lifestyle first
dahil kahit magka extra income man,
o lumaki ang sweldo pero hindi
natin binabago ang ating lifestyle
na nakasanayan, wala din.
Babagsak din tayo sa UTANG.
IWASAN ANG MGA BISYO sahod
(Photo from this Link)
Dahan dahan lang, hindi naman kailangang biglaan.
Kung nagyoyosi ng 10 sticks a day, gawing 5.
Yung isang case ng inom, pwede naman kalahati na lang.
Kapag sa lotto naman, yung araw-araw na taya
baka pwedeng twice a week na lang.
Malaki ang matitipid natin kung
sisimulan natin itong dahan-dahanin.
Eventually, kapag nakita na natin ang epekto
tayo mismo ang titigil nito.
KUMAIN NG MASUSUSTANSYANG GULAY sahod
(Photo from this Link)
Ang mga karne, mahal ‘yan eh
‘di tulad ng gulay na masustansya pa.
Halimbawa sa malunggay o kangkong
pwede ‘yan igisa, sabawan, o lagyan lang ng
kaunting panlasa.. ay ang sarap na non!
Sigurado pa tayong mag be-benefit
hindi lang ang bulsa kundi pati ang kalusugan.
Pwede rin tayo magtanim
para after a few weeks,
papitas pitas na lang sa ating mini garden.
O ‘di ba walang gastos? #TipidTips.
“Ang kakarampot na sweldo ay hindi kakasya kaya
dapat magpursige at mag-isip ng PETMALUNG paraan para hindi mahirapan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano mo pinagkakasya ang sweldo mo ngayon?
- Ano ang iyong petmalung diskarte para makaraos?
- Willing ka ba magbago ng lifestyle para dito?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“WHAT TO DO WHEN MARRIED TO A MAMA’S BOY?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2M1wmqm
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.