Saan mo ilalagay ang iyong tiwala sa araw na ito?
Ano ang nagbibigay sa iyo ng lakas at pag-asa?
Ang lakas at tiwala mo ba ay…
Galing sa iyong kagalingan?
Paano na kung nawala na ang kagalingan?
Galing sa iyong kayamanan?
Paano na kung naubos na ang kayamanan?
Galing sa iyong kapangyarihan?
Paano na kung nawala na ang katungkulan?
Galing sa iyong kasikatan?
Paano na kung nalaos na ang kasikatan mo?
Once in my life, yan din ang aking naranasan.
Noong ako pa ay nag-aartista sa taong 1987, kaliwa’t kanan ang aking mga offers.
Hindi na ako halos nakakatulog at nakakapagpahinga.
Ang saya-saya ko at ang sarap kasama ng mga kaibigan ng artista.
Akala ko’y wala na itong katapusan!
Pero ang lahat ng ito ay biglang nanamlay noong 1994. Feeling ko noon, katapusan na ng mundo ko at ang hirap maka-recover. After a few months of being jobless, this is what I’ve personally discovered – ang lahat ay may hangganan.
Masaya lang ako, noong marami pang trabaho at sikat pa ako.
Pero malungkot na ako noong ang lahat ng ito’y naglaho ng parang bula.
Doon ko napag isip-isip, that I cannot put my trust, confidence, identity and belonging sa aking kasikatan, kapangyarihan, o kayamanan dahil lahat ng iyan ay lilipas din.
Pero sa panahong din ng kadiliman at kalungkutan, doon ko rin nakilala ang Diyos sa aking buhay. Nalaman ko na Siya lang ang dapat kong maging sandigan at pag-asa.
Dahil tiyak na tiyak ko, kahit anong mangyari, hindi ako iiwanan ng Diyos. Doon po nakasalalay ang aking tiwala sa aking buhay.
Kahit anong mangyari, hindi Siya magbabago.
“CONFIDENCE IN GOD is better than CONFIDENCE IN ONESELF.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, ikaw ano ang naging iyong karanasan?
- Ikaw rin ba ay minsan nagtiwala sa maling mga bagay?
- Ano ang iyong naging karanasan?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.