Hindi madali maging isang magulang. It takes a really great effort and hardwork to be one.
Ang isang mabuting magulang, walang ibang iniisip kundi mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang anak. Pero walang perfect na magulang. The good parent is not perfect as well.
Wala ring perfect na anak. Kaya kahit na ibuhos ng isang magulang ang lahat para palakihin nang maayos ang kanyang anak, right expectations should still be set.
Despite of the imperfections, ang pinakamahalagang role ng isang ulirang magulang ay
MAGING GOOD ROLE MODEL
Kung gusto mong lumaking mabuting tao ang anak mo, it has to start from you. Magandang mula pagkapanganak palang ay maging role model ka na niya sa pagsasalita, pananamit, pagkilos, at pag-uugali. Kung ano kasi ang mapansin at makita ng bata, gagayahin niya iyon at madadala hanggang sa paglaki niya.
Gusto mo siya lumaking may takot sa Diyos?
Turuan mo s’ya maging taong maka-Diyos, ipakita mong ikaw mismo ay naniniwala sa Kanya.
Gusto mo siya maging magalang at marunong rumespeto?
Sanayin mo siya sa “po” at “opo”. Iwasang palakihin siya sa environment na puro mura at masasamang salita ang maririnig niya, at puro sakitan ang makikita niya.
Gusto mo siyang lumaking disiplinado?
Disiplinahin mo siya sa tamang pamamaraan. Ipaliwanag mo rin sa kanya kung bakit niya kailangang disiplinahin. Mahalagang matuto siyang umamin, tumanggap, at itama ang mga pagkakamali niya. Mahalaga rin na ikaw mismo ay ipakita sa kanya kung paano ito. Sa ganitong paraan, hindi lamang siya magiging disiplinado, matututo rin siya maging mapagkumbaba.
Gusto mo siyang maging edukado?
Bigyan mo siya ng magandang edukasyon. At ituro mo sa kanya ang kahalagahan ng pagkakaroon nito.
SHOW YOUR LOVE AND GIVE QUALITY TIME
Gusto mo siyang lumaking mapagmahal?
Palakihin mo rin siya na puno ng pagmamahal mula sa iyo at sa inyong buong pamilya. Kapag nasanay siya sa isang mapagmahal na pamilya, mamahalin at itatrato niya rin ng tama ang mga taong nasa paligid niya. Asahan mo rin na magiging mapagmahal na asawa at ina o ama rin siya sa kanyang magiging pamilya balang araw.
Make your child feel special. Hindi naman palaging laruan o masasarap na pagkain ang ibigay mo. Mas kailangan din nila ang quality time na maibibigay mo sa kanila.
Makipaglaro ka, lambingan, mamasyal sa iba’t ibang lugar. Kahit gaano ka-busy sa trabaho o sa gawaing bahay, importanteng mag-build ka ng connection sa iyong anak through showing love and spending time together.
TEACH THEM TO BECOME SUCCESSFUL IN LIFE
Wala namang magulang ang maghahangad ng masama para sa kanyang anak. Lahat naman ay gustong maging successful ang anak. Kaya mahalaga na ituro ang kahalagahan ng kalusugan, edukasyon, hard work, passion, at tamang pag-handle ng pera. Tiyak ay magiging successful sila kapag na-realize nila nang maaga ang importansya ng mga ito.
Walang perpektong magulang. Wala ring magiging perpektong anak. Kaya maaga palang pagsumikapan nang mag-build ng magandang connection at relationship sa inyong mga anak para anumang problema ang harapin ninyo, magkasama ninyong haharapin at malalagpasan ang mga ito.
“Ang pagiging mabuting anak ay makikita sa mabubuting asal na ipinapakita ng kanyang magulang.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May anak ka na ba? Kung wala pa, may plano ka bang magka-anak balang araw?
- Gaano ka ka-ready maging isang magulang?
- Ano ang mga gagawin mo para mapalaki nang tama ang iyong anak?
Watch my Youtube video:
Panoorin ang 10 Katangian ng Ulirang Magulang
Click here: https://youtu.be/rIQVID6aP-g
Ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan. Kaya while they are still young, we need to teach them how to be confident, follow their dreams, passion, and develop a sense of responsibility and discipline pagdating sa pera. Start them young! Start it now!
Enroll now sa RAISING MONEYWISE KIDS: Raising Entrepreneurial Kids in 10 Easy Steps for P799. Click here now: https://lddy.no/9z8l
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.