I know that many of you have encountered difficulties in your relationship. And you might be asking how can you avoid fight in your marriage?
I would always say that communication is very important. Mahirap kasi mag-assume o kaya naman hindi makipag-usap then bigla na lang all of a sudden, war na.
So first is
HAVE AN OPEN COMMUNICATION
Talk about everything and anything. Parang first date n’yo, you will see that marami pa kayong madi-discover sa partner n’yo kahit matagal na kayong magkasama.
Talk about your work, your plans, your dreams, your thoughts, etc. Kahit tungkol pa ‘yan sa politics, sports, showbiz, anything. Kahit minsan lang sa isang araw, hindi naman kailangan na laging business and problems ang pag-usapan.
Syempre, kung may problema, pag-isipan muna rin natin kung paano ang approach natin sa ating asawa. Remember ang goal natin ay makahanap ng solusyon at hindi magbigay ng sama ng loob.
LEARN TO MAKE AN ARGUMENT
Yes. It’s okay to argue.. Hindi naman dapat laging submissive tayo sa asawa natin. Kasi maaaring may angle tayo na hindi nila nakikita or vice versa.
We argue not to start a fight, but because we are concerned with them. Pero iba na yung lagi na lang galit ang asawa natin sa mga ginagawa natin.
Pag ganun, may mas malalim na kailangan pag-usapan kung bakit ganoon ang kanyang pananaw sa sitwasyon.
Also keep in mind that
IT’S OKAY NOT TO SHARE EVERYTHING TO EVERYONE
Kung may pagtatalo ang mag-asawa, kailangan ma-solve nilang dalawa. Hindi yung sumbong agad sa magulang, kaibigan o kapatid.
Ang mangyayari kasi ay magkakaroon ng kampihan. Which is kapag pumasok na ang pamilya at kaibigan natin sa eksena, maaaring magiging mas mahirap na masolusyunan ang problema.
Maaari tayo lumapit sa ating pamilya at mga kaibigan kung talagang delikado na ang sitwasyon. Yung tipong makasisira ng ating pagkatao.
It’s okay to share with others kapag tapos na para maging learning experience din nila, but not always, as in not everytime na may problem, updated lahat sa social media.
“Learn to handle your relationship with maturity,
because it is a key to make it last for eternity.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga pinag-uusapan ninyong mag-asawa?
- Paano ninyo sinasabi ang iyong ‘di pagsang-ayon sa iyong asawa?
- Sinu-sino ang mga taong sumusuporta sa relasyon ninyo?
Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”
Check it here:https://lddy.no/8vdb
**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.