Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

READY KA NA MAG-RETIRE?

June 17, 2019 By Chinkee Tan

Kailangan talagang paghandaan ang retirement.
Kahit sabihin pa natin na bata pa tayo at malayo pa
naman yun, kailangan habang mas maaga, planuhin na.

So paano ba natin malalaman kung handa na tayo sa
retirement? Hindi naman sapat na gusto lang natin na
magre-retire na lang tayo basta. Pag-isipang mabuti.

Kung magreretiro tayo, ibig sabihin hindi na tayo magta-
trabaho kaya wala na rin tayong sweldo na matatanggap.
Pero patuloy pa rin ang mga gastusin natin ‘di ba?

So, tingnan natin kung talagang handa ka na magretiro.

Table of Contents

Toggle
  • MAYROON KA NA BANG CONTINGENCY FUND?
  • SIGURADO KA NA BA?
  • AFFORD BA TALAGA NATIN NA MAG-RETIRE?
  • THINK. REFLECT. APPLY.

MAYROON KA NA BANG CONTINGENCY FUND?

“Huh? Ano yun? Kailangan ba yun?”
“Ok na nakapagtapos na yung mga anak ko.”
“Sila naman ang bubuhay sa amin. Tapos na ako.”

Grabe naman kung ang dahilan kaya natin
pinapag-aral ang ating mga anak ay para gawin
lang silang “investment”. Paano naman sila?

Paano kung gusto na rin nilang bumuo ng sarili nilang
pamilya? Paano kung may gusto rin silang bilhin para
sa kanila? Ano ba talaga ang plano pag-retiro natin?

Ang contingency fund, ito yung inipon natin para pag
nagretiro tayo hindi tayo pabigat sa anak natin. Oo
alam kong may utang na loob din sila sa atin.

Mahal nila tayo at responsibilidad din nila tayo. Pero
not to the point na tayo pa ang pumipigil para mas
mag-grow pa sila at para mas maging independent.

Tapos na yung panahon na padamihan na lang ng mga anak.

SIGURADO KA NA BA?

Pinag-usapan n’yo ba talaga ito ng asawa mo? Sang-ayon
ba kayo pareho sa pagreretiro mo? Baka may iba rin s’yang
plano. Kaya kailangan mapag-usapan ito.

“Matagal na akong nagtatrabaho. Pagod na ako.”
“Magpapahinga na ako. Kailangan suportahan n’ya ako dun.”
“Desisyon ko ito. Dapat ako ang masunod.”

We need to respect and honor our spouse. Ibig sabihin
nirerespeto rin natin ang opinyon at ang saloobin ng
ating asawa sa mga desisyon o plano natin sa buhay.

Mag-asawa kasi tayo. Kasama rin sa pagpasok natin sa
ating pagsasama ang katapatan sa isa’t isa kaya mas
makabubuti na kasama rin ang ating asawa sa plano natin.

Ganun ang mga anak natin. Kailangan din na alam nila
para makapaghanda rin sila dahil paniguradong may
adjustment na mangyayari. Kaya dapat maghanda.

Siguraduhin dapat natin kung..

AFFORD BA TALAGA NATIN NA MAG-RETIRE?

Magkano na ba ang mga bilihin ngayon? Magkano na
paglipas ng limang taon? Habang tumatagal, ang value
ng pera ay bumababa dahil tumataas ang halaga ng bilihin.

Kung maganda ang pasok ng kita ng negosyo, makukuha na
natin ang investment natin sa stocks o kaya sa mutual
fund, may pension na rin tayo, in short, may income pa rin.

At kung yung income na ito ay makasu-sustain sa pang-araw-
araw, then go! Pwede ka na talagang magretiro.
Handa ka na talaga at ang iyong pamilya rin.

Tandaan na hindi tayo magreretiro dahil ayaw na nating
magtrabaho o may kagalit tayo sa trabaho. Ang ultimate
goal natin ay mag-enjoy din sa mga natitirang panahon natin.

Pero dapat isipin din natin ang kapakanan ng ating pamilya.
Mahirap magdesisyon nang pabigla-bigla at lalong mas
mahirap na walang ipon at aasa na lang sa tulong ng iba.

“Mahirap magtrabaho kung senior na, pero mas mahirap
yung magretiro nang walang makain na masarap.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Kailan mo plano magretiro?
  • Paano mo pinaghahandaan ang retirement mo?
  • Gusto mo bang matuto kung paano mag-invest nang tama?

————————————————————————————————

RETIRE YOUNG AND RETIRE RICH: Invest and do the right thing. Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE AT 50 by going to this link: http://bit.ly/2DLsqec  for only P799!

 

-25 videos!

-Watch it ANYTIME, ANYWHERE.

-Watch it over and over again.


**For a limited time only, you can access ALL 9 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: http://bit.ly/2F9SOyr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

  • Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
  • Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
  • Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: ready Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.