Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

BE A RAINBOW

November 20, 2019 By Chinkee Tan

Lahat naman tayo nakaranas na ng unos sa buhay. Yung tipong buong paligid ay sobrang dilim at gusto na lang natin malunod sa mga luhang parang ulan kung bumuhos mula sa ating mga mata. Sa mga ganitong pagkakataon, maiisip natin na hindi talaga pwede palaging masaya ang buhay. Pero sana, kahit gaano pa naging kadilim ang langit sa ating mga paningin ay nagpasalamat tayo sa bahaghari na dumating para lumiwanag ulit ang buhay natin.

Table of Contents

Toggle
  • WE ALL HAVE OUR DARK DAYS
  • BE A RAINBOW AMIDST SOMEONE’S DARK CLOUDS
  • KAYA MO ‘YAN! KAKAYANIN MO ‘YAN!
  • THINK. REFLECT. APPLY.

WE ALL HAVE OUR DARK DAYS

Lahat ng taong nakasasalamuha natin, siguradong may pinagdadaanan sa buhay. Aminin man nila o hindi.

Kahit sina Superman at Wonderwoman, may mga problema rin. Hindi natin kayang iligtas ang bawat isa sa bawat pain na dumarating sa buhay, pero pwede tayong gumawa ng mga bagay na makatutulong para mabawasan ang lungkot nila.

BE A RAINBOW AMIDST SOMEONE’S DARK CLOUDS

“Try to be a rainbow in someone else’s cloud.” – Maya Angelou

Lahat tayo pwede maging rainbow for someone experiencing great storms. Practice empathy. Maging understanding at open-minded tayo sa pinagdadaanan ng isa’t isa.

Sa ganitong paraan, magkakaroon tayo ng magandang connection sa isang taong may malaking problema. Kahit isang ngiti lang o tawag sa taong may pinagdadaanan, pwede na.

KAYA MO ‘YAN! KAKAYANIN MO ‘YAN!

Sino bang hindi machecheer-up sa mga salitang ito? Even these simple, short words could mean a lot to someone.

Ang mga simpleng encouraging words na ito ay hindi lamang nakakaapekto sa recipient nito, kundi maging sa taong nagsabi nito.

Minsan kailangan lang talaga nating maging good listener sa isang taong may problema. Hindi man natin sila matulungan by action sa pag-resolve ng problema, malaking tulong pa rin ang pagpapagaan natin sa bigat ng loob nila.

Kahit simpleng “kaya mo ‘yan!” mula sa atin ay malaking encouragement na para sa kanila.

Being a source of encouragement gives us a better purpose in life. Sa ganitong paraan din tayo maaaring makakuha ng more energy para maging mas positive sa pag-handle ng mga pagsubok sa buhay at business natin.

“Minsan, presence lang natin ang kailangan para makatulong sa problema ng mga mahal natin. Just be there and let them feel they are not alone in their battle.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Mayroon ka bang mahal sa buhay na dumaan sa malaking problema lately?
  • Ano ang ginawa mo para matulungan siya?
  • Paano nakakaapekto ang simpleng pagtulong mo sa pagharap niya sa kanyang problema?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content,new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: RAINBOW Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.