Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

DO YOU FEEL LIKE QUITTING?

October 12, 2019 By Chinkee Tan

Minsan parang mas madali na umayaw na lang. Para
kasing ang hirap-hirap abutin ang mga pangarap natin.
Sa iba, bakit ang dali-dali nilang nakukuha ang lahat?

Minsan bang naramdaman ninyo ito? O kaya tinatanong
kung bakit ganito, bakit ganyan? Tapos ang pakiramdam
na lang natin ay malungkot o kaya tulala na lang?

Let me give you some practical ways to overcome these
negative feelings and help you become more productive
in these kind of situations and uncertainty.

Ready ka na ba? Haha!

Table of Contents

Toggle
  • TAKE ONE PROBLEM AT A TIME
  • CHECK OUR STANDARDS
  • LEARN FROM OUR MISTAKES AND EVEN FROM OTHER’S MISTAKES
  • THINK. REFLECT. APPLY.

TAKE ONE PROBLEM AT A TIME

“Naku bayaran na naman ng kuryente.”
“Kailangan nang operahan si nanay.”
“Maghihiwalay na kami. ‘Di ko na kaya.”

Imagine kung lahat sabay-sabay at lahat talaga ay hahanapan
natin ng solusyon, chances are magpa-panic tayo. At pag
nag-panic na tayo, mas stressed kaya hindi na maka-decide
nang maayos.

“So anong gagawin Chinkee? Pabayaan na lang namin
ang problema?
“Di ba talaga namang kailangan hanapan ng solusyon
ang mga ito?”

Yes! Tama! Kailangan hanapan ng solusyon at pag-isipan
nang husto. Pero kailangan ay kumalma tayo para mas
makapagdesisyon tayo na naaayon sa problema.

Alam kong nakaka-panic talaga ang sunod-sunod na
problema. Kaya unahin dapat natin ang mas malaking
problema hanggang sa pinakamaliit na problema.

Alin ba sa mga ito ang kailangan ngayon na masolusyunan?
Alin ba sa mga ito na dapat ikaw ang magdesisyon at
walang iba na pwedeng mapasahan nito?

Kapag na-assess na natin, then saka natin isa-isahin ang
paghahanap ng solusyon at paggawa ng mga desisyon.
We need to focus on the solution.

Then we also need to

CHECK OUR STANDARDS

Ok alam kong walang masama sa standards. Hindi rin
mali na maglagay tayo ng mataas na standards. Pero
minsan, we also have to reevaluate the circumstances.

Makikipaghiwalay ka kasi hindi magkatugma yung
oras ninyo sa isa’t isa.

Ayaw mong magpacheck-up kasi gusto mo sa private
hospital ka pumunta.

Wala ka na namang pambayad sa kuryente kasi yung
pambayad mo ay pinangbayad mo sa ticket ng isang
concert.

Let’s face it, lahat ng problema ay may solusyon. Lahat
din ng problema ay may pinagmulan, kaya kailangan
ay alamin natin ang ugat ng problema. Maliban sa
mahanapan natin ito ng solusyon, kailangan din ay
maalis natin ang pinaka ugat ng problema.

Mula doon, we need to

LEARN FROM OUR MISTAKES AND EVEN FROM OTHER’S MISTAKES

Lagi kong sinasabi, kaya ako gumagawa ng mga blogs,
libro, online courses ay hindi para lang sa ikinabubuhay
ng pamilya ko, kundi para maibahagi ko rin ang aking
mga sariling karanasan sa iba.

Tulad ng mga karanasan at pagkakamali ko upang maging gabay
at aral sa iba, sa inyo. At gayun din kayo, umaasa rin ako
na makapagbahagi rin kayo ng mga battles na napagtagumpayan
ninyo para makatulong rin sa iba.

Paano ninyo hinarap ang sarili ninyong battles at ano ang
nangyari? Natalo ba o nanalo? Ganun kasi talaga sa
buhay. Hindi tayo laging nananalo, kadalasan ay kailangan pa
rin nating mag-grow at matuto.

I remember a friend of mine, nag-comment sa dami ng thesis
na ginagawa ng mga students taon-taon, bakit marami pa
rin ang problema sa mundo?

You see. Parte kasi ng buhay ng tao iyon. Mayroon at
mayroong problema na susulpot sa buhay natin. Kailangan
lamang ay hindi tayo panghinaan ng loob. Huwag tayong
sumuko at mas lalong huwag nating sukuan ang buhay
natin.

“Quitting is an option. Doing nothing is never a solution.
But doing something better is the solution.
So don’t just quit without having a better solution.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga hinaharap mong pagsubok ngayon?
  • Paano mo pinapalakas ang iyong sarili na harapin ang mga ito?
  • Sinu-sino ang mga taong maaari mong hingan ng payo?

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: quitting Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.